REVEALATIONS

1.4K 7 0
                                    

Nagpaalam si Sir King kay Alice na may lakad ito ngayong araw. Narinig ng Dalaga na may kausap ito somewhere in Makati. Kaya naman malaya ngayon si Alice na makagalaw sa Mansion.

Nang makaalis si King Montemayor ay tinawagan na niya si Phix na ipaalam sa Hacker nila ang pagbura ng mga Footages sa kaniyang gagawin.

Nakaabang na rin ang mga ito para sa pag lipat ng mga Files na mang-gagaling sa Computer at laptop ni King Montemayor.

Nang simulan na ni Alice ang paghahalungkat ay may nag doorbell kaya tiningnan muna niya ito sa Monitor.

Isang Babae ito at naka helmet.

Nagtataka si Alice dahil wala namang sinabi ang kaniyang Sir King na may parating itong Bisita.

Hawak ang kaniyang Baril ay tinanong na muna niya ang tao sa labas ng Gate kung ano ang kailangan nito.

"Andiyan ba si King?"
Maangas na tanong ng Babae kay Alice.

"Ay wala po siya. Sino po sila?"
Magalang na tanong ni Alice kahit gusto na niyang barilin ang kaharap.

"Hihintayin ko na lamang Siya dito."
Maangas pa rin na wika ng Babae.

"Bumalik na lamang po kayo, baka magalit po saakin."
Wika ni Alice at isasara na sana ang Gate ng biglang pumasok ang Babae at tinutukan si Alice ng Baril.

Mabilis na nakabangon si Alice at pinutukan sa Ulo ang Babaeng kaharap.

Tinawagan ni Alice si Phix at inutusan ito na kunin ang Bangkay ng bumaril niya at linisin ang mga ebedensya.

Bumalik na si Alice sa Master's Bedroon ay binalikan na ang kaniyang ginagawa.

Habang hinahack na ng mga Kasamahan ni Alice ang importanteng Files ni King Montemayor ay nawindang si Alice!

Agent din si King Montemayor at Minerva!

Hindi sila mag-asawa!

Napapanggap lamang si King Montemayor at si Minerva!

Limitado lamang ang mga nakuhang impormasyon ni Alice dahil may mga Security Questions ang ibang Files ni King Montemayor.

Pero bakit sila magpapanggap na mag-asawa?

Anong itinatago ni King at Minerva?

Ano ang koneksyon ng Sindikato sa Dalawa?

Prinoproteksyunan ba nila ang mga Sindikato?

Maraming katanungan si Alice sa kaniyang isip habang nililigpit niya ang mga Laptop at Computer ni King Montemayor.

Nang masigurado niya na maayos na ang lahat ay pumunta siya sa kaniya g Kwarto at humingi pa ng mga karagdagang kaalaman tungkol kay King Montemayor.

Ang buong akala ni Alice ay mapapabilis ang kaniyang Misyon ngunit mas lalo lamang itong gumugulo at lumalalim.

Sa mga pekeng Documents ni King at Minerva ay Limang Taon na Silang Kasal, walang Anak dahil sa pagkabaog ni Minerva.

Nakalagay din sa pekeng Dokumento na galing sa mga Mana at pagsisikap ni King Montemayor kaya sia yumaman.

Ngunit isa itong kasinungalingan, dahil lumabas na pag-aari ng isang Sindikato ang lahat ng mayroon si King at Minerva.

Hindi pa malinaw kay Alice kung nasa loob din ba ng Sindikato ang Dalawa o parte lamang din ng Misyon ng mga ito ang iyon.

Hindi alam ni Alice na nakasubaybay din sakaniya si Minerva kahit na ito ay nasa ibang bansa.

At sa pagbalik ni Minerva sa Pilipinas ay mas lalong gugulo ang Misyon at ang Buhay ni Alice.

POSSESSIVE WILD SERIES #10 ; FORBIDDEN by ALICE and KINGWhere stories live. Discover now