Nakarating si Alice at King Montemayor sa kalapit na Bodega kung nasaan si Boss Alegre. Maiangat na naglakad ang Dalawa dahil sa dami ng mga Kalaban sa labas ng Bodega.
Kailangan nilang maghiwalay upang makapasok sa loob ng Bodega."Ako ang papasok sa loob, doon ka sa katapat na Building nitong Bodega. Ikaw ang Sniper para makapasok ako.
Mag-iingat ka Alice, see you later."
Wika ni King Montemayor at hinalikan sa noo si Alice.Tumango ang Dalaga at hawak a g kaniyang Sniper Riffle ay mabilis Siyang humiwalay kay King Montemayor.
Nang naka dapa na si Alice sa taas ng Building ay inobserbahan na niya ang paligid.
Nang matumbok niya na ang ibang kalaban at sunod sunod niya na itong pinatamaan.
Habang si King Montemayor naman ay nakapasok na sa loob.
Hinanap na ng mga Kalaban ang Sniper na si Alice, kaya naman mabilis niya na itong pinaputukan ng kaniyang Sniper Riffle.
Nang masigurado na naubos na ng Dalaga ang mga Kalaban sa labas ng Bodega ay mabilis siyang bumaba at hahanapin niya na si Boss Alegre at King Montemayor.
Maingat na naglakad si Alice lumilinga kung may kalaban pa na parating.
Nag mapasok na niya ang loob ng Bodega ay mabilis na hinanap na niya ang Dalawa.
Ngunit napahinto pa si Alice ng marinig ang nagsasalita sa isang Kwarto.
"Wala kang utang na loob, King!
Ikaw din Minerva! Matapos ko kayong gawing Tao ay ganito ang isusukli ninyo!"
Sigaw ng isang Lalaki na sa hula ni Alice ay si Don Facundo."Dad, Tama na ito! Marami ka ng dinamay! Marami ka ng napatay na mga inosente!"
Humihikbi na wika ni Minerva."Tumahimik ka! Sana ay hindi na lamang kita hinanap! Sa huli mas pipiliin mo pa rin itong Alegre na ito!"
Galit na wika muli ng Daddy ni Minerva.Maingat na naglakad si Alice at sa paglakad niya ay nakita niya si Don Facundo na nasa harap niya hawak si Boss Alegre na walang Malay.
Mabilis na inasinta ni Alice sa Ulo si Don Facundo at binaril niya ito.
Bumagsak si Don Facundo pati si Boss Alegre.
Nakita ni Alice na mas nilapitan pa ni Minerva si Boss Alegre habang humihikbi ito.
"Love, please!"
Hikbi ni Minerva sa walang malay na si Boss Alegre.Si King Montemayor naman ay niyakap si Alice.
May tinawagan si Alice upang nakuha Sila doon sa Bodega, mabilis naman nasundo Sila ng mga kasamahan ni Alice.
"Boss, mabubuhay ka. Malapit na tayo sa Playground."
Tapik ni Alice kay Boss Alegre.Playground ang tawag nila sa kanilang Head Quarters.
Habang nasa Chopper sila ay nakahawak lamang si Minerva sa mga Kamay ni Boss Alegre.
"Mag-uusap tayong lahat kapag nagkamalay na si Boss Alegre."
Seryosong saad ni Alice.Tumango si King at Minerva sa sinabi ni Alice dahil alam ng Dalawa na mahabang paliwanagan na naman ito.
Ngunit sa isip naman ni Alice ay ang mahalaga natapos na ang lahat at ligtas Sila.
Nawawalan na Siya ng pag-asa kagabi pa lamang, Akala niya ay pati si Boss Alegre ay mawawala na din kay Alice.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #10 ; FORBIDDEN by ALICE and KING
RomansPaano nga ba pigilan ang isang bawal na Pag-ibig? Makakaya bang talikuran at isuko ni Alice Vergara ang lahat para lamang kay King Montemayor? Tunghayan natin ang isang Kwento ni Alice at King kung paano nila malalagpasan ang lahat.