PLAYGROUND

2.4K 13 0
                                    

Nasa mabuti ng kalagayan si Boss Alegre at nagpapagaling na lamang sa Playground nila. Nagpapahinga na lamang din silang lahat habang naghihintay ng Updates sa pagkuha ng Bangkay ni Don Facundo. Nakalaya na din ang lahat ng mga Bihag ng Don sa Kidnapping for Ransom.

Maging ang mga Droga ay nasabat na rin ng mga Awtoridad, pati na rin ang magka sosyo ni Don Facundo sa kaniyang Illegal na gawain.

Hawak na din ng mga Awtoridad ang mga Ebedensya at iba pang ari-arian ni Don Facundo.

Sinuko na lahat ni Minerva iyon maging si King ay tumulong din.

"So, what now?"
Tanong ni Alice.

"Where do we start?"
Tanong ni King Montemayor.

"Lately lang namin plinano ang lahat, Alice. Humingi ako ng tulong kay King upang maituwid ko ang mga pagkakamali ko. Hindi ko na matagalan ang mga ginagawa ni Dad, Hindi ko na kinakaya ang mga kasamaan niya. Sumama ako kay Dad dahil ayaw ko na pag-initan niya si Alegre dahil alam kong hindi niya bubuhayin si Alegre once na piliin ko ang Mahal ko."
Pahayag ni Minerva.

"Alam ba ito lahat ni Boss Alegre?"
Tanong ni Alice.

"Yes, at hindi ni matanggap na mas pinili ko si Dad kahit na sobrang sama ng Ama ko. Pero ayaw ko na patayin ni Dad si Alegre kaya I made a decision.
Turned out na kahit pinili ko na si Dad palihim pa rin pala na pinapa sundan niya si Alegre. Kaya kinausap ko na si King, pero nalaman na naman ni Dad kaya hinostage niya si Alegre. Inutusan ko si King na puntahan ka dahil alam ko na hindi mo pababayaan si Alegre."
Paliwanag pa ni Minerva.

"Oo at hindi ko hahayaan na patayin ng Ama mo ang nag-iisang Pamilya ko." Seryosong wika ni Alice.

"Hindi ko pinagsisisihan na trinaydor ko ang sarili kong Ama. Sagad ang kasamaan niya."
Wika ni Minerva.

"A, salamat sa pagligtas saakin. Hanggang sa kamatayan Hindi mo pa rin ako pinabayaan."
Singit ng gising na pala na si Boss Alegre.

"No worries, Boss. Alam na alam mo iyan, magpalakas ka at mukhang matutuloy ang naudloy ninyong Kasal."
Tukso ni Alice.

"Hindi ko na pakakawalan ang Boss mo, Alice."
Ngiti ni Minerva.

"Ikaw ba King? Anong Plano?"
Tanong ni Boss Alegre kay King Montemayor.

"Pwede ba akong manligaw, Alice?"
Nahihiyang tanong ni King.

"Pag-iisipan ko."
Irap ni Alice.

"Sagutin mo na kaagad, baliw na baliw saiyo yan si King eh."
Tukso ni Minerva.

"Sus, binaril nga ako niyan."
Irap pa ni Alice.

"Because I had to. Tutuluyan ka sana nito ni Minerva that day kung hindi kita dinaplisan."
Paliwanag ni King.

"Oo na." Simangot ni Alice.

"What do you mean? Oo na? As in tayo na ba?" Ngisi ni King.

"Pag-iisipan ko." Wika ni Alice.

"Mag-iingat ka diyan kay Alice.
Mas matindi pa sa Lalaki yan."
Halakhak ni Boss Alegre.

"Pero pagdating sa Kama babaeng babae yan."
Tukso ni King.

Kinurot ni Alice si King kaya naman nagtawanan Silang lahat.

POSSESSIVE WILD SERIES #10 ; FORBIDDEN by ALICE and KINGWhere stories live. Discover now