Chapter 14: Isla Sampaguita

49 8 12
                                    

Chapter 14
______________







THIRD PERSON'S POV



































"Kiko! Tingnan mo may dalawang tao inanod sa dalampasigan! P-patay na 'ata!"









"Dali tingnan natin!"











May mga grupo ng mangingisda ang kakatapos lang mangisda ng mapansin nilang may dalawang tao ang walang malay na inanod sa tabing dagat.
Agad nilang nilapitan ang mga ito upang tingnan kung buhay pa.






"Mukhang magkasintahan 'ata ang mga batang 'to! May tama ng bala 'tong lalaki sa likod pero may pulso pa! Bilis! Dalhin natin sa ospital!"
















"Pero pare wala naman tayong pera pangbayad sa ospital atsaka ilang oras pa bago makarating sa bayan!"


















"Pero hindi natin pwedeng pabayaan ang mga batang 'to! Baka mamatay! Kargo konsensya pa natin mga to!"











"Alam ko na! Dalhin nalang natin sa albularyo!"








Agad na pinagtulungan ng mga mangingisda na buhatin ang dalawang taong nagaagaw buhay.








"Ang init ng babae pare! Napakataas ng lagnat!"










"Bilisan niyo na kailangan na nila malunasan!"



















Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ng albularyo!








"Mang Ashong! Aling Bebang! Tulong ho!!!" kalampag nila sa isang bahay na gawa sa kawayan.













Isang matandang babae ang lumabas sa bahay kawayan upang tingnan kung sino ang kanilang mga panauhin.


















"Oh Abner, Kiko, Balong anong kaguluhan ito? Sino yang mga dala niyo?! NAKAPATAY BA KAYO? JUSKO!" halos atakihin ang matandang babae sa nakitang kalagayan ng mga ito.

























"Aling Bebang naman! Mali ho kayo! Nakita lamang namin tong mga bata sa dalampasigan! May tama ho ng baril 'tong binata habang eto naman hong dalaga inaapoy ng lagnat!" paliwanag ni Abner.























"Andyan ho ba si Mang Ashong? Kawawa naman ho ang mga ito baka mamatay na talaga! Gamutin niyo ho sila!" pagmamakaawa ni Balong kay Aling Bebang.
























"S-sandali! N-nasa dalampasigan pa! A-ayunnn! Parating na pala!! Ashong, bilisan mo may emergency!!" naghihisterekal na sigaw ni Bebang.
Habang isang papilay pilay maglakad na lalaki ang papunta sa kinaroonan nila.





















"Mang Ashong buti ho nandito na kayo! Gamutin niyo ho sila!"

























Echoes of the Fall: Her Leap, His Abyss [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon