Chapter 31: Life & Death
Grammatical Errors ahead
Ignore the time stamps⚠️VIOLENCE AHEAD!!!
____________
HADES' POV ( The start of the timeline here is nung time na kakauwi pa lang ni Kalea at Favian galing sa Isla Sampaguita)
Ang dami kong pinagdaanan bago ako mapunta sa sitwasyon na ito...
Kalea...
Kayong dalawa ng gag0ng Favian na yun ang dahilan kung bakit namatay ang aking ina pero hindi pa din mabawasan ang obsesyon ko sayo!
Pagkatapos ng araw ng lamay ni Ina ay nabaliw ang aking ama at sinugod ng mga pulis at militar ang pugad maya. Marami sa aming mga kasamahan ang natugis at namatay. Swerte ko lang ay naitakas ko ang aking sarili at si ama.
Lumuwas akong Manila dahil walang nakakakilala sa akin dito pero sa kasamaang palad ay nadukot ako.
"Sabihin mo, bakit kilala mo si Kalea at Favian?" tanong ko sa taong dumukot sa akin...
Sa tansya ko ay nasa edad singkwenta na ang lalaking ito. Halata ring mayaman siya.
Ngumisi siya ng mala-demonyo sa aking tanong. Kita ko sa mga mata niya ang labis na kasamaan at galit.
"Anak lang naman silang dalawa ng mga taong kinamumuhian ko. Nang dahil sa mga magulang nila ay nasira ang pamilya ko! Namatay ang pinakamamahal kong asawa! Kaya silang dalawa ang p*patayin ko... para maramdaman ng mga pamilya nila ang sakit na dinanas ko HAHAHAHAHAHAHA!"
Naunawaan kong iisa lang ang pinaghuhugutan namin. Parehas kami ng likaw ng bituka.
"Paano mo ako nakilala?" tanong ko.
"Matagal ko ng pinagplaplanuhan ito. Bago pa man dumating sa mundong ito ang mga batang yun, ay nakatakda na silang mam*tay sa mga kamay ko. Pero bago yan, sisirain ko muna ang mga buhay nila. Matagal ko na silang minamanmanan. Kahit ng mangyari ang insidente sa Zambales kung saan sangkot ang grupo niyo ay alam ko. Akala ko ay mapapadali ang paghihiganti ko dahil sa ginawa niyo, but I was wrong. Because of your stupidness, they came out alive..."
"Wala kang alam..."
"Ikaw ang walang alam.... HAHAHAHAHA! Nung araw na nilusob ang kuta niyo ay pinapasundan na kita sa mga tauhan ko. Kailangan kita sa aking mga plano... Hindi ba't namumuhi ka sa dalawang yun?! Sila ang dahilan bakit namatay ang iyong ina at pagkabagsak ng grupo niyong kay tagal niyong iningatan?"
Dahil sa sinabi niya ay mas nagumapaw ang galit ko! NAWALA ANG LAHAT NG MERON AKO DAHIL SA KANILA! LINT*K LANG ANG WALANG GANTI!
"Gamitin mo yang pagkamuhi upang makapaghiganti... ilabas mo ang demonyong nagtatago sa katauhan mo..."
Tinignan ko siya sa mata. Lumaki ako sa hirap at pakikipaglaban. Kung akala ng taong 'to ay mamamanipula niya ako ay nagkakamali siya. Kung tuso ito, mas tuso ako.
BINABASA MO ANG
Echoes of the Fall: Her Leap, His Abyss [BOOK 1]
FanfictionEchoes of the Fall: Her Leap, His Abyss [BOOK 1] [FUMA X READER FANFIC] SYNOPSIS Meet Kalea, a girl who is adorned by everyone. Everyone knows her as the girl who has a perfect life. She's beautiful, brave, from a known and wealthy clan, has a lov...