Chapter 12
GRAMMATICAL ERRORS ahead!
______
KALEA's POV
Maglilimang araw na kami dito at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung na saan si Favian. Mas lalo akong nagaalala sa bawat oras na lumilipas.
Unti-unti na din akong nawawalan ng pagasa sa bawat sandali twing naiisip kong wala na siya... Gustong gusto ko na talaga umalis sa lugar na 'to!!! I miss my family and friends!
Karma ko na ba 'to?! Ito ba yung karma ko sa kadesperadahan kong mapansin ni Favian?!
Wala naman akong pinagsisihan dahil mahal ko siya. But there's a lot of what if in my mind right now. What if I didn't follow him here? Will the situation turn into something and not this tragedy?
Ilang beses ko na din sinubukang ipag-tanong sa mga taga-dito kung na saan siya pero napapagalitan lamang ako tuwing ginagawa ko iyon...
"Kamukha mo siya..."
Napatingin ako kay Manang Dhalia. Siya ang ina ni Hades at asawa ng leader ng mga rebelde na si Supremo Fernan.
Sa mga araw na nandito ako ay siya ang nagaalaga sa akin. Nakasundo ko na rin siya at marami napagkwentuhan.
"Kamukhang kamukha mo si Julia.... tuwing nakikita kita ay naalala ko siya sayo..."
Si Julia, ang anak niyang bunso na napatay ng mga militar ng sila ay dating nilusob ng mga ito. Alam kong magaan ang loob niya sa akin dahil naalala niya ang yumaong niya anak.
Si Manang Dhalia ay napakaganda pa rin sa edad niyang 50 years old. Pero mas maganda siya nung dalaga siya kaya nga nabingwit siya ng leader ng mga rebelde. Naikwento niyang simpleng mamamayan lang siya noon. Sibilyan sila ng kanyang buong pamilya at nagmamayari ng bukirin sa Zambales. Disi otso anyos lamang siya noong nahuli niya ang atensiyon ni Supremo Fernan. Hindi niya mahal ang lalaki pero sapilitan siya nitong inilayo sa pamilya niya at dinala sa bundok at inasawa at nagkaroon sila ng mga anak na si Hades at Julia.
Naawa ako sakanya. Pag tinitingnan ko siya sa mata ay nararamdaman ko ang pagdurusa niya ng ilang dekada sa piling ni Supremo Fernan sa lugar na ito. Hindi na niya kailan pa man nakasama ang totoo niyang pamilya dahil ikunulong siya dito.
"Bakit ho hindi niyo naisapang tumakas? Eh kung sumama na po kayo saamin ni Favian? Para ho makabalik na kayo sa pamilya niyo..." Sabi ko.
"Hindi na maari, Kalea. Hindi ko maaring iwan ang anak kong si Hades. Siya na lang ang meron ako. Kahit kinamumuhian ko ang ama niya ay hindi ko kayang abandunhin ang anak ko..."
"Kahit ho napakasama ng ugali ni Hades at kahit parang hindi niya kayo ituring na ina? Huwag niyo po sanang mamasamain... pero bakit ho ba nagkaganon si Hades?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Echoes of the Fall: Her Leap, His Abyss [BOOK 1]
FanfictionEchoes of the Fall: Her Leap, His Abyss [BOOK 1] [FUMA X READER FANFIC] SYNOPSIS Meet Kalea, a girl who is adorned by everyone. Everyone knows her as the girl who has a perfect life. She's beautiful, brave, from a known and wealthy clan, has a lov...