CHAPTER THIRTY-ONE

19 1 2
                                    

Kindly, vote and leave some good comments! Thank you.

___________

PAG-IWAS



ISANG linggo narin ang nakalipas simula nang makabalik kami sa akademya. Maraming nagbago simula ng magtransfer sina Death dito. Naging famous din ang mga hinayupak kong kaibigan dahil sa angkin nilang kakayahan. Halos, sila na lagi ang nakakasama ko. Lumipat narin ako ng dorm dahil kasama na nila yung bruhang Violet nayun sa dorm naming mga Prince's and Princesses kunno.

"Queen, ayos kalang?"

"Huh?"taka kong turan kay Tiger.

Napabusangot ito bago sumipsip sa hawak nitong buko juice. Hindi man lang magbigay ay. Makasarili hmp.

"Kanina kapa kasi nakatulala, kinawawa mo na yang bermuda grass oh? Nakalbo na, may balak kapa atang maging hardenira"napatingin naman ako sa harapan ko. Napamaang ako nang makitang kalbo na nga, kanina pa ata ako nagdadamo. Napakamot ako sa aking noo tsaka ngumuso.

"Namimiss ko na kasi sina ama at ina, isang linggo nako dito ngunit hindi ko parin sila nakikita dahil sa bruhang impakta na Violet nayun! Grr, humanda talaga sakin yun. Susunugin ko siya ng buhay!"gigil kong turan sabay hagis ng bato sa kung saan.


"Aray!"


Parehas kaming nagulat nang may marinig kaming daing mula sa pinaghagisan ko ng bato. Mula sa likod ng halaman nayun, lumabas ang napakapangit na nilalang na si—hindi ko kilala.


"Did you throw the stone?"napakagat ako ng labi nang marinig ang malalim nitong tono.


Si tiger naman mukhang kinilig dahil sa boses nayun.


Tinaasan ko ito ng kilay tsaka tumayo at hinarap ang lalaki. Ngayon ko lamang ito nakita, kaya nakakapagtakang kanina pa pala kami may kasama sa garden na'to.


"Ako nga, bakit?"matapang kong sagot, nangunot ang kaniyang noo tsaka ako tinitigan ng matagal. Bubuka sana ang bibig nito para magsalita ngunit, may bago na namang nilalang na dumating.

"Xavier, tara na. Hinahanap na tayo"aya nung lalaking dumating. Tinignan pako nung Xavier bago sumunod sa lalaki.

Napangiwi ako at tsaka sila pinakiramdaman. Wala akong naramdamang panganib mula sa kanila, ngunit sino ba sila?

"Sino yun? Infairness queen, ang wafuuu yiee"nagkibit balikat lang ako sa kalandian nitong si Tiger. Akala mo talaga tahimik at maamo e, pero may tinatago pala, kidding.

"Gwapo na bayun? Kapangit pangit"

Umiling ako at iniwan na siya dun. Bahala siya diyan.

















"HELL! Tara sa—"nilagpasan ko lang ang mga royalters nang makasulubong sila.

"Ah, b-baka di lang tayo napansin hehe..."rinig kong sabi ni Dolly bago tuluyang makalayo sa kanila. Patawad, ngunit ayoko munang makahalubilo sila.

Habang naglalakad sa corridor ng dormi-chanters, someone suddenly grabbed me out of nowhere.

"Tangina! Sino kaba at nanghihila ka nalan—what the hell, Gray!"inis kong sabi tsaka hinila ang siko kung hawak niya. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Why are you avoiding us?!"

Hilo ba siya? Kalapit-lapit niya sakin tapos kung makasigaw aba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)Where stories live. Discover now