Chapter 18

0 0 0
                                    

Napahawak Ako saaking ulo nang mahinto ang pag flashbacks nang mga memorya ni Dayasha, I can't believe it. Michael do really love Dayasha?! For real?! P-pero bakit kaya sinabi niya Yun? Bakit?

“Dayasha, love. Please c-comeback to me” anito at bahagyang lumapit, gulat naman akong napalingon sa lalaking katabi ko nang hinapit niya ang bewang ko.

“ Enough.” malamig na usal ni Alistair.

“Sabihin na nating mahal niyo ang isat-isa noon, but Dayasha—the princess made up her mind. She doesn't want to be engaged with you anymore, and you need to accept that. But, If you're love for her is really genuine. Then why don't you pursue her, try to steal her from me. If you can.” nakangising usal ni Alistair.

Nanlaki naman ang mga mata ko??! Ginawa ata akong premyo sa isang pustahan eh! Is he cràzy?!

“Huh, pretty confident huh. Well then” what?! Game na game din itong pûtàngînà?! T-teka lang! I didn't give you any permission!

“But, before that...” dahan-dahan niyang kinuha ang pagkakahawak niya sa bewang ko at maya-maya pa ay nagulat ako nang biglang nawala ang presensiya ni Alistair sa tabi ko nang ilang sigundo. Pagkatapos ay muli kong naramdaman ang presensiya niya na habang hinapit nitong muli Ang bewang ko.

“Lets burn this, shall we?” nakangising usal nito. Pagkatapos ay dahan-dahang nasunog ang papel na sa kamay niya— p-paano niya nagawa Yun?! May mahika iyon at imposibling masunog iyon o mapunit!

Totoo ba talaga na siya ang villain sa kwento?!

“I-Impossible!” sigaw nang kung sino, sino ba naman Kasi ang hindi magugulat?! Walang dapat maka sira non! Pero sinonog niya lang?!

“Enough, with this drama.” usal niya at mapupungay ang mga matang humarap at tiningnan ako.

“May I have this dance? Beautiful lady?” Aniya, napatingin naman Ako sa kamay niyang nakalahad. Wala sa sariling tinanggap ko iyon.

Kasabay non ang pagtugtog nang mga musikero. Bahagya kong inilibot ang tingin ko at kanya-kanya na ang mga ginoo na nagyaya nang mga Binibini na sumayaw. Habang Nakita ko naman si Michael na nakatulala padin.

Dinala ako ni Alistair sa ginta nang bulwagan, inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at hinapit niyang muli Ang bewang ko papalapit sa kanya. Inilapit niya nang bahagya ang bibig niya sa aking Tenga at may binulong.

“Lets enjoy the night, shall we?” napalunok ako sa Ganda at lambing nang boses niya. Pakiramdam ko kinikiliti ako, a-ano tong nararamdaman ko?! Kakakilala ko palang! Oy! Pasaway na puso!

I heard him chuckle.

“You’re blushing” aniya pa, kaya bahagya akong napayuko. Nakakahiya. Pero, his the villain sa book 2 nang kwento. And, I didn't see the previous na ala-ala ni Dayasha na nagpakita siya.

Maging sa libro ay hindi binanggit ang paglitaw niya. Kaya, paano? Paanong nandito siya?! Atsaka, si Michael. He truly love Dayasha base sa mga tingin nito Kay Dayasha. He loves Dayasha and his eyes tells it all.

Naguguluhan ako, sino ba talaga ang totoong villain dito? Atsaka, kailangan ko din pigilan ang pag wawala ni Alistair sa katapusan nang kwento Kong saan mawawasak ang buong kaharian.

Nakalimutan ko kong bakit nagwala si Alistair, pero naalala ko ang binanggit nitong pangalan at sinabi nito.

“I will turn this city into ashes! I'll burn y'all alive! You've kîll my precious Dahara!”

Yun yung sinabi niya, naalala ko din na may napatay na babaeng dèmon si jaiver non eh, kasi muntik nitong saksakin sa likod si Savannah. Pero gaya nang sinabi ko, namatay si jaiver at ang iba pa, at si Savannah lang ang natira.

“Da—Dayasha..”
That's how the story ended, it was so tragic.

“Dayasha..”

Sa binsa Kong synopsis, savannah defeats Alistair with the help of the others, ofcourse she can't defeat a dèmon lord all by herself. I'm pretty sure, she can't handle the power of one of the dèmon lords.

“Dayasha” rinig kong tawag nang kaharap ko habang mahinang niyogyog ang balikat ko. Nabalik naman ako sa ulirat at napaangat nang tingin sa kanya, namangha ako dahil ang gwapo niya pala sa human form niya. Ngayun ko lang Kasi masasabi na di nagkamali Yung mata ko.

Kulay asul na mga mata, at kulay asul din ang kulay nang kanyang buhok. May matangos na ilong, at pinkish na labi. Perpekto ang hugis nang mukha at nang jawline nito.

“You‘re so disgustingly gorgeous” Napatakip ako saaking bibig habang nanlaki Ang mga mata ko, did I say it loud?! I saw him smirked.

“Your spacing out” he teasingly uttered.

I cleared my throat.

“Wanna come with me?” napa-iling ako at iwinaksi ang kahihiyang ginawa ko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan, mag tatanong pa sana ako kung saan nang binitawan niya ang bewang ko pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko sa balikat niya.

Nangunot ang noo ko, nang bahagya siyang umatras, pero malayo padin siya nang kaunti sa mga tao na nagsasayaw. Nakatingin lang ako sakanya, ano bang gagawin niya?

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya at Ganon din siya, I saw a little smile form on his lips. H-hes amazingly beautiful! Ang gwapong dèmonyo naman niya!

He snap his finger.

May pumalibot sa kanyang apoy na siyang ikinagulat at ikinatigil nang mga tao sa pagsasayaw, Ang hilig niya gumawa nang eksina.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nasunog ang damit niya at napalitan ito nang Isang itim na may halong pula na kasuotan pagkatapos ay nagkaroon siya nang mahaba at pulang mga sungay, naging kakulay nang apoy ang kanyang buhok, at naging kumikinang na kulay dilaw Ang kanyang mga mata.

He snapped his finger again, at nawala ang apoy na nakapalibot sa kanya na parang Bula. Naglakad siya papunta sakin, nakatingin lang siya nang diretso saakin at ganoon din ako.

So, this is his true form?

Rinig na rinig ko ang mga bulong-bulungan, napa-iling ako.

Ang gwapo padin! Ang gwapong dèmonyo niya talaga!

Nahuli ko ang maliit na ngiti sa labi niya. Habang huminto siya sa mismong harap ko, napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya.

Muntik pa akong masobsob sa dibdib niya, inis ko siyang tiningala. Ang tangkad niya din, mga 6'5? Eh Hanggang balikat niya lang ako eh. Unfair.

“Dadalhin kita sa paraiso” t-teka?! B-bat ang hot niya mag Tagalog?! T-teeeekaaaa lang namannnn!

Bahagya akong napatingin sa paligid namin at bahagyang nagulat nang may kung anong parang barrier na nakapalibot saaming dalawa. Nagtatanong ang mga mata ko Kong para saan ito.

“Lets escape, I'm sure your father will be so mad—mad if he finds out that I'll kidnapped his daughter.” mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi niya.

“Well, I guess father don't mind if I'm with my fiancee” hagikhik ko.

Reincarnated in the middle of the Villainous execution.Where stories live. Discover now