01

2.8K 98 39
                                    

CHAPTER ONE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER ONE

The New Professor

A R Y A N

"Aw!" Napahawak ako sa sintido ko nang may kung anong matigas na bagay ang tumama rito.



Napamulat ako ng mata at tumingin sa bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog ako at nagising nalang na maliwanag na. Ngunit napapikit ako dahil muli ko na na namang napanaginipan ang nangyari 5 years ago.


Damn! Nakamove-on na ako pero patuloy pa rin itong nagpaparamdam. Limang taon na ang nakalipas pero patuloy pa rin akong ginagambala. Hindi ko maintindihan. Halos ilang taon ding paulit-ulit na nagpe-play ang nangyari na 'yun sa panaginip ko. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang mukha ng taong nakatalik ko noon. Blur pa rin...



"Mama!"



"Ay pusa!"


Napasigaw ako dahil sa sobrang gulat.


Lumapit ito sa akin at dahan-dahang hinaplos ang noo ko gamit ang maliliit nitong kamay.


"Mama, ayos lang ikaw? Sorry."



Mahinang sambit nito at dahan-dahang hinaplos ang parte ng noo kong natamaan.



Hinaplos ko rin matambok na pisngi nito. Ang cute talaga ng anak ko.



"Don't worry, baby, Mama's okay."



"Hindi ko sadya, mama. Si Won kasi , away na naman ako. Kaya binato ko siya ng toy." Sumbong nito sa akin at napanguso.


Napatingin ako sa kakambal nito na ngayo'y umiiwas ng tingin sa akin na para bang walang ginawang kalokohan.


"Luh? Sumbungera." Bumulong pa ito, pero rinig na rinig ko naman ang huli niyang sinabi.


"Anak, next time kapag inaway ka na naman ng kambal mo, sabihin mo kay Mama, okay? Huwag ka ng gumanti dahil mas nadadagdagan lang ang gulo, okay?" Paalala ko rito.


Tumango lang ito sa akin saka ngumiti, na siyang dahilan para lumabas ang dimple niya. Kinurot ko ito sa pisngi at pinupog ng halik. Hindi ko mapigilang panggigilan ang pisngi niya.


"Won, anak, lapit ka kay mama, dali!" Tinawag ko ang isa ko pang anak. Tumingin ito sa akin at patakbong lumapit. Kagaya ng ginawa ko sa kakambal niya, ay pinugpog ko rin ito ng halik.


"Sorry, mama. 'Di ko na siya ulit aawayin." Sambit ni Won. Mukha namang sincere ito sa paghingi ng tawad. Pero hindi ako naniniwalang hindi niya na aawayin ang kakambal niya, dahil halos araw-araw ay ito ang ginagawa nila.


Breaking The Rules [GL] ✔Where stories live. Discover now