09

2.1K 88 14
                                    

NOTE: Hello, sorry for the late update. Super busy lang po talaga.

A/N: Raw/Unedited

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A/N: Raw/Unedited

CHAPTER NINE

I'm drunk, I like you

A R Y A N


"Kain ka muna, anak, please? Kahit kaunti lang." pagmamakaawa ko sa anak ko. Pilit ko itong sinusubuan ng lugaw, pero inilalayo lang nito ang mukha habang umiiling.

Wala pang laman ang tiyan niya simula pa kaninang tanghali. Kahit kaunting lugaw lang sana ang kainin para may laman ang tiyan, pero ayaw n'ya talaga.

Kilala ko ang batang 'to, hindi talaga 'to kakain kapag hindi ko pipilitin.

Napabuntong-hininga nalang ako nang bumalik siya sa pakikipaglaro sa mga kapatid niya. Maayos na ang lagay niya, unti-unti na ring bumabalik ang lakas niya, pero 'yun nga lang ay walang laman ang tiyan.

Ako nalang at ang mga bata ang naiwan dito sa hospital. Pinauwi ko na muna si mama para makapagpahinga. Hanggang bukas ng umaga pa naman ang duty ni Kuya Archer kaya may kasama naman ako rito sa hospital.

Kakatapos lang din siyang i-check ng doctor. Ayos naman na raw siya at tuluyan nang nawala ang allergy niya. May mga pinayo lang sa akin ang doctor tungkol sa mga allergy, sa mga dapat at iiwasang kainin ni Yen. Maaari na rin siyang makalabas bukas na siyang ikinatuwa ko.

May kumatok sa pinto kaya naman agad ko itong binuksan.

"Nandito ka na pala." sambit ko nang makita si Miss Sterling.

She smiled and lifted up the coffee she bought. Puro starbucks ang mga 'yon.

"Pasok ka!" Mas binuksan ko pa ang pinto para makapasok siya, pero mukhang nag-aalinlangan pa siya.

"Is she awake?" It is almost a whisper.

I looked at her in wonder

"Yeah. Nakalabas ka lang talaga kanina noong nagising siya" malumanay na sagot ko.

"Hindi ba siya magugulat kapag makita ako? I mean, she didn't see me a while ago, kaya baka magulat at matakot siya kapag nakita ako." Zachariah said, worriedly.

I shook my head. "Huwag kang mag-aalala, ipapakilala kita sa kanila." I gave her an assured smile. In exchange, she also gave me a warm smile.

Pumasok siya at inilapag na muna sa lamesa ang dala niyang mga kape. Dalawang box ng kape na may tig-aapat ang laman ang bawat isa na dala niya. Ang isang box ay may lamang malalaking cup ng kape, habang ang isang box naman ay naglalaman ng maliliit na cup. Halatang gatas ang laman n'on na may powder at mga sprinkles pa sa itaas.

Napatigil ang apat sa paglalaro at napatingin kay Zachariah. Agad siyang kinawayan ni Won. Marahil ay namukhaan at nakilala.

"Babies, si Miss Zachariah Sterling. Siya 'yung teacher ko sa school ko. Say hi to her," nakangiting pakilala ko sa mga anak ko.

Breaking The Rules [GL] ✔Where stories live. Discover now