04

1.9K 85 19
                                    

A/N: Raw/Unedited

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A/N: Raw/Unedited

CHAPTER FOUR

Jacket

A R Y A N

"Sumabay ka nalang,  huwag kang mahihiya! Sige, subukan mo, baka may mapala. Walang mawawala, kapag magtatiyaga!! Kung gustong-gusto mo, sundan mo lang akooo!!!"


Malaki ang ngiti ko habang tinitingnan sila. Sa bawat beat ng kanta ay sinasabayan ng mga katawan nila. Malambot ang mga katawan at may potential na maging dancer ang mga anak ko. May pa sway-sway pang nalalaman.


Kakatapos lang nilang maligo, at tanging panty lang ang suot. Pero sinabi kasi nilang may ipapakita silang sayaw sa akin, kaya't pinasayaw ko muna ang mga ito.


"Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to!! Kaya mo ba 'to! Kaya mo ba 'to!!"


Ngunit napaawang-labi na lang ako nang makitang sabay na kumaldag ang tatlong bata sa harapan ko.


"Eyy! Eyy!" pahabol pa ng mga ito at may pahampak-hampak pa sa hangin.


Napahilamos ako ng mukha. Saan na naman ba nila nakuha ang gano'ng moves?


Tumingin ako sa isa kong anak na si Euro na nasa tabi ko lang. Nakatapis pa ito dahil nga bago silang ligo, at gaya ko ay nakatitig ito sa mga kapatid niyang hyper sa pagsayaw.


"Magaling ba, mama?" nakangiting tanong ni Peso sa akin. Hinihingal pa ito sa sobrang pagsasayaw.


Si Won naman at Yen ay naghihintay ng sagot ko.


"Magaling nga pero huwag niyo ng ulitin, ha?" ani ko.


Labis ang pagtataka ng tatlo dahil sa sinabi ko.


"Sino nagturo sa inyo ng sayaw na 'yon?" I asked them. Nagkatinginan silang tatlo.


"Tito Archer..."  pagtatapat nilang tatlo.


Sabi na nga ba. Kung ano-ano nalang talaga ang itinuturo niya rito sa mga anak ko! Kaya ayaw kong iniiwan ang mga bata sa kaniya eh. Kung ano-ano natutunan sa kaniya ng mga anak ko!


Ayos naman ang sayaw, pero ang laswa panoorin. Lalo na kung mga bata ang sumasayaw.


"Oh, halika ka na. Bihis na!" wika ko sa kanila at isa-isang pinunasan ang mga buhok nila.


Maaga ko silang pinaliguan para bibihisan nalang sila ni Mama mamaya. Pagkatapos silang asikasuhin ay ako naman ang sunod na naligo. Araw ng lunes at may klase kami kay Miss Sterling. Hindi ako pwedeng malate dahil baka bigla niya na naman akong bulyawan, lalo na kung bad mood ito.


Nakarating ako sa school ten minutes before ang first subject namin. Agad akong tumabi kay Kristina saka kinuha ko lang notebook ko at nagreview saglit.


Breaking The Rules [GL] ✔Where stories live. Discover now