15

1.9K 121 48
                                    

A/N: Feel ko talaga nabobored na kayo HAHA. Sarreh, hindi ko talaga forte ang drama/angst (hindi kaya isulat pero fav ko basahin) kaya wala masyadong conflict ang story na 'to. But yeah, 6 chapters nalang siguro before ang Epilogue para masimulan na ang kay Matienne (Doon ako babawi HAHA).

Jusme, wala pa pala 'to sa climax. Parang naging slowburn tuloy.

Raw/Unedited

CHAPTER FIFTEEN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


CHAPTER FIFTEEN

Discovery

A R Y A N

"I've finally met the woman who stole my daughter's heart...'


Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ko ngayon. Halos tawagin ko na ang lahat ng santo para lang tulungan ako sa mga oras na ito.


Hindi agad ako nakapagsalita. Pakiramdam ko'y natuyuan ako ng laway habang nakatitig ang ginang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, at parang ang lakas-lakas ng kaba ko na kahit ako naririnig ko. Pero, hindi puwedeng tumigil ako rito. Pinilit kong ngumiti, kahit halata kong nanginginig ako, at binati ko rin siya.


"G-Good morning po, Mrs. Sterling. N-Nice to meet you po. I am A-Aryan Amity Kingston  po, Zachariah's..." Saglit akong napatigil, hindi alam ang susunod na sasabihin.


Ano nga ba ako ni Zachariah, bukod sa estudyante at nililigawan pa lang?


Hindi ko pa siya sinasagot.


Wala pa kaming label.


"She's my future wife, Ma..." Rinig kong bulong ni Zachariah, na dahilan nang mahina kong pagsinghap. Mukhang napansin 'yon ng pinsan niya kaya mahina itong napatawa. Ganoon din ang ama na malaki ang ngiti, mukhang  proud na proud sa anak.


Tumingin sa akin si Mrs. Sterling, at kahit gaano kabigat ang tingin niya, naramdaman kong unti-unti itong lumambot. "Aryan, di ba?" Tanong niya, na para bang sinusuri ang bawat salitang binitiwan ko. Tumango ako, kahit kinakabahan pa rin, at sinubukan ngumiti nang mas malaki.


Bigla siyang tumawa nang mahina, at sa kabila ng aking kaba, lumambot ang aura niya. "Huwag kang matakot sa akin, Aryan," Saad nito, may halong biro sa boses. "Mabait ako. Tinatakot lang kita."


Napalunok ako at ngumiti nang bahagya. "Pasensya na po, medyo na-intimidate lang po talaga ako sa inyo." Pag-amin ko pa at mahina ring napatawa.


Lumapit naman si Zachariah at hinawakan ako sa balikat, tila sinasabing okay lang ang lahat. "Ma, huwag mo namang masyadong takutin si Aryan," Saway nito sa ina. Ngunit inirapan lang siya sa ng ina.


Tumingin ni Zachariah sa akin at binigyan ako nang matamis na ngiti. Pagkatapos no'n ay pumunta siya sa likod ko kung nasaan ang mga anak ko na nakapila, na tila natatakot din sa presensya ni Mrs. Sterling. Lumuhod si Zachariah at may binulong sa apat.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Breaking The Rules [GL] ✔Where stories live. Discover now