A/N: Raw/Unedited
CHAPTER SEVEN
Jealous
A R Y A N
"Aryan..."
Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Josh lang pala. Isa sa mga kaklase ko.
Mahina akong napatawa nang makitang nagkakamot ito ng ulo na para bang may sasabihin. Panay din tingin niya sa paligid kung may nakatingin ba sa kaniya.
"Bakit? May problema ba?" natatawang tanong ko.
"Ano kasi...M-Magpapaturo sana ako sa'yo, k-kung okay lang?" alanganing anito.
"Sure! Ano ba 'yon?" Walang hesistasyong sambit ko. "Upo ka muna," I offered him a chair. Nagpasalamat ito sa akin na tinugunan ko lang ng matipid na ngiti.
Pagkaupo sa tabi ko ay agad nitong sinabi ang problema. Nagpapatulong lang palang magpasolve. Hindi niya raw naintindihan ang diniscuss ng Professor namin sa subject na 'yon, kaya heto't sa akin lumapit at nagpaturo ulit.
Tumingin ako sa relong nakasabit sa pader na nasa taas ng pinto. May oras pa naman kaming natitira bago pumasok ang Professor namin sa first subject ngayong hapon.
Masyado kaming nalibang ni Josh sa pag-aaral na hindi na namin napansin ang oras. Bukod sa pagtuturo sa kaniya ay sinisingit din ni Josh ang mga corny jokes niya. Hindi ko rin naman mapigilan ang matuwa at matawa sa mga jokes niya dahil talagang nakakatawa ang paraan ng pagdeliver niya. May pagka joker kasi talaga 'tong si Josh, kaya hindi nakakapagtakang lapitin siya ng mga babae. Siya rin ang tinaguriang clown ng room dahil sa galing niyang magpatawa.
Isang malakas na hampas sa mesa ang nagpagulat sa amin ni Josh. Agad na isinarado ni Josh ang libro na pinag-aaralan at tumayo para bumalik sa kaniyang upuan.
Nakakatakot na awra ang bumungad sa aming lahat. Hindi maipintang mukha ni Miss Sterling ang sumalubong sa amin. Hindi ko alam ang nangyari, pero mukhang masama ang araw niya. Bad mood na bad mood eh.
"Get a whole shit of paper! We have a surprise quiz"
Halos malaglag ang panga naming lahat sa gulat dahil sa sinabi ni Miss Sterling. Literal na surprise dahil lahat kami ay nasurprisa talaga.
"Get a paper now!!"
Mabilis na gumalaw ang buong klase sa sobrang takot nang muli itong sumigaw. Nakita kong palinga-linga ang mata ni Kristina na para bang may hinahanap.
"May papel ka ba?" she whispered while looking at me.
Hindi ako nagsalita. Basta ko nalang ito binigyan ng papel.
Wala ni sino man ang nagtangkang gunawa ng ingay. Takot lahat na gumawa ng tunog na mas lalong makakapagpagalit kay Miss Sterling. Tahimik ang lahat na nagsusulat. Tanging tunog ng mga ballpen lang ang nagsisilbing ingay sa loob ng apat na sulok ng kwartong 'to.
YOU ARE READING
Breaking The Rules [GL] ✔
RomanceNo drama. No Plot. Just two random people who met for a reason and fell in love with each other. HIGHEST RANKS 🏅 #15 - lgbtqpride #2 - lightromance #7 - fastburn