Aryan's children and their different personalities 😆
A/N: Raw/Unedited
CHAPTER TWELVE
Date
A R Y A N
Ang ingay ng arcade ay parang naging musika sa aking mga tenga habang pinagmamasdan ko ang mga anak ko na tumatawa nang malakas. Nasa tabi lang ako, nakaupo at hinahayaan silang magsaya, habang si Zachariah ay nasa harapan nila, nakangiti, tila mas masaya pa kaysa sa mga bata habang tinuturuan sila kung paano maglaro ng basketball sa arcade machine. Ang saya sa mukha niya, at ang tunog ng halakhak ng mga anak ko, ay nagpatigil saglit sa mundo ko.
Yes, I agreed to go on a date with her. I mean why not? I want to give her a chance. At mukhang hindi niya naman ako binigo. Sa ngayon ay naririto kami sa Arcade. Ito ang unang destinasyon namin.
Hindi ko inasahan na makikita ko ang ganito—si Zachariah, ang seryoso at respetadong propesor ng USV, ngayon ay parang isang bata na nakikipaglaro sa mga anak ko. Tila natural lang sa kanya ang magpatawa at magbigay ng pansin sa bawat isa sa kanila. Parang alam na alam niya kung paano sila pasayahin, at ramdam ko ang kakaibang init na unti-unting lumalaganap sa puso ko habang pinagmamasdan ko sila.
Sa t'wing nakaka-shoot si Zachariah ay pinapalakpakan siya nang apat. Minsan ay binibigay niya rin sa mga bata ang bola at inalalayan iyong i-shoot o kaya naman ay binubuhat nalang para maabot ang ring.
Hindi ko mapigilang mapatanong sa sarili, paano kami nakarating dito? Saan nga ba nagsimula ang lahat?
Si Zachariah ang taong nagpaparamdam sa akin ng kaligtasan at katiwasayan. I feel like I am safe whenever she's around. I find comfort in her arms.
YOU ARE READING
Breaking The Rules [GL] ✔
RomanceNo drama. No Plot. Just two random people who met for a reason and fell in love with each other. HIGHEST RANKS 🏅 #15 - lgbtqpride #2 - lightromance #7 - fastburn