03

2K 99 25
                                    

A/N: Hello, readers. First of all, thank you sa pag-effort na basahin ang story ko. I sincerely appreciate your votes and feedback.

Actually, I had no intention of publishing this story for the following reasons:

First, masyado ng common ang genre, kaya baka maboboring kayo habang nagbabasa , pero iba naman ang plot ko kaya sabi ko, sige, bahala na.

Second, alam ko sa sarili ko na hindi ko rin naman matatapos ang story at sa huli ay i-unpunlish ko rin. But I made a promise to myself na last na 'to, if ever na magbago na naman isip ko, never na akong magsusulat kahit na maraming ideas ang pumapasok sa isip ko.

Lastly, wala akong tiwala sa sarili ko. Marunong naman ako magsulat, pero hindi ako sigurado sa resulta kaya hindi ko magawang mapublish.

Salamat sa mga nagbabasa kung meron man.❤🤙🏻

Raw/Unedited.

CHAPTER THREE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER THREE

Sorry

A R Y A N

Nasa National Bookstore ako ngayon. Araw ng biyernes at wala kaming pasok. Kaya naman naisipan ko munang libangin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbili ng mga libro na alam kung itatago ko lang din naman at hindi babasahin.


Ang sarap lang kasi amuyin ng bagong libro. Nakakaadik.


Iginala ko ang mata ko sa paligid, nagbabakasakali na may mahanap akong magandang libro na pwedeng basahin. Marami-rami na rin akong koleksiyon sa bahay. Bukod sa pagbe-bake, mahilig din ako sa pagbabasa.


Sa t'wing nagbabasa kasi ako ay parang dinadala ako ng libro sa ibang mundo. Minsan nga ay naiimagine kong ako ang bida sa mga librong nababasa eh. Feelling main character lang ang peg. Pero ang mga masasayang kwento sa libro na 'yun, ay tanging sa libro lang mangyayari. Hindi ako naniniwalang may happy ending sa reality.


Nagpasikot-sikot ako sa buong National Bookstore, pero ni isang libro ay walang nakakuha ng interes ko. Mahilig ako magbasa ng mga classic at literature. Mahilig din ako sa romance, lalo na 'yung mga gawa ni Martha Cecelia, o kahit na anong mga Precious Romance books. Lalo na 'yung mga lalaking lumaki sa hacienda, may sariling rancho o kabayo, tapos old money style ang pamumuhay.


'Yun ang mga tipo ko sa lalaki. Kaso sa sitwasyon ko ngayon, siguradong wala nang tatanggap sa akin kapag nalaman nilang may anak na ako. Wala ng may magmamahal sa may sabit na katulad ko. Truth hurts, but that is the reality na kailangan kong tanggapin.

Breaking The Rules [GL] ✔Where stories live. Discover now