A/N: Raw/Unedited
CHAPTER TWO
Late
A R Y A N
I frowned as I looked at the test paper in front of me. Pinag-aralan ko ito ng mabuti. Pamilyar ang mga tanong, pero hindi ko maalala ang sagot. Ibang subject naman kasi ang na-ireview ko kagabi. Kung alam ko lang na may surprise quiz pala 'tong bago naming professor, edi sana naman nagreview ako kahit kaunti. Wala pa namang pagpipiliang sagot dahil identification.
Ang hirap magfocus at mag-isip ng sagot, lalo na kung 'yung nagbabantay ay naglalakad at nasa likod mo lang habang naghihintay sa sagot mo. Gusto kong takpan ang papel ko dahil nahihiya ako at the same time, ay nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa presensya niya. Sa awa ng diyos, at sa kakaulit ko ng basa ay naiintindihan ko rin at naalala ko na ang sagot, at nakapagpasa on time.
Nakahinga ng maluwag ang lahat nang makaalis na ang propesor. Mukhang hindi lang ako ang nakaramdam ng kaba.
"Nafeel mo ba ang atmosphere no'ng pagpasok ni Miss Sterling kanina?" Kristina asked. Napatingin ako rito. Naramdaman niya rin pala.
"Grabe ang intense. 'Di ko kinaya ang mga titig niya. Akala mo naman ay parang cctv na naghihintay lang makahuli ng magnanakaw. Tapos 'di ko rin inaakala na sa first meeting natin sa kaniya ay magpapa-quiz siya kaagad!" reklamo nito, "Sana naman ay tama ang mga sagot ko!" dagdag niya pa at napanguso.
"Same." wika ko sa kaniya at napangiwi nalang. Hindi rin kasi ako sigurado sa mga sagot ko doon. Ang mahalaga ay nakapagpasa at nakasagot!
Lumabas na muna kami ni Kristina para bumili ng makakain. Nakakagutom din pala ang sumagot ng mga tanong na walang pagpipilian. Bugbog na bugbog ang utak ko.
Medyo mahaba ang pila dahil recess time na rin naman. Pero mabuti nalang at nakasingit agad kami sa pila kaya nakabili agad kami ng pagkain.
Pagkatapos bilhin ang mga gustong kainin ay inutusan ko si Kristina na maghanap ng mauupan, habang ako naman ay huminto sa vending machine na malapit sa CR, saka naghulog ng dalawang tig-sampung piso para makakuha ng dalawang coke na sakto.
Hinanap ko lang si Kristina, at hindi naman ako nahirapan dahil mabilis siyang nahanap ng mga mata ko,
"Sabi ko pang-dalawang tao na upuan lang eh." Bulong ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
Breaking The Rules [GL] ✔
RomanceNo drama. No Plot. Just two random people who met for a reason and fell in love with each other. HIGHEST RANKS 🏅 #15 - lgbtqpride #2 - lightromance #7 - fastburn