A/N: Raw/Unedited
Thank you for reading my story 💖 Hinding-hindi talaga akong magsasawang pasalamatan kayong lahat, lalo na sa mga nagpupush sa akin na sulatin 'to. Nakakatuwa at nakakatunaw po ng puso na makita at mabasa ang mga comments ninyo!
Stay safe and dry po sa lahat💖
Last update for this week, I guess...
CHAPTER THIRTEEN
5th Birthday
A R Y A N
TULALA AKONG lumabas sa classroom pagkatapos kong makita ang score ko sa subject naming Steel Design.
Juskolord, score pa ba 'yun?
6/100...
Bonus pa 'yan, ha. Mas malaki ang binabayad ko sa commute eh.
Papunta na kami ngayon ni Kristina sa Cafeteria para bumili ng pagkain. Naisipan ko na ring bilhan si Zachariah dahil baka ay hindi pa ito kumakain. Hindi pwedeng siya lang palagi ang nagbibigay. Hindi ibig-sabihin na siya ang nanliligaw, siya nalang palagi ang mag-eeffort na pasayahin ako, lalo na ang mga anak ko. Oras na rin para suklian ang kabaitan niya.
Dalawang tinapay at drinks ang binili ko para sa kaniya. Ang importante.. may kinakain siya habang nagtatrabaho.
"O, saan punta mo?" Tanong ni Kristina nang mapansing paalis na ako.
"Ibibigay ko lang sa kaniya 'to." Inangat ko ang binili kong pagkain para kay Zachariah.
Lumabas ang pilyo nitong ngiti. "Nafa-fall ka na rin sa kaniya, noh?" Tinaas-baba pa nito ang kilay.
YOU ARE READING
Breaking The Rules [GL] ✔
RomanceNo drama. No Plot. Just two random people who met for a reason and fell in love with each other. HIGHEST RANKS 🏅 #15 - lgbtqpride #2 - lightromance #7 - fastburn