𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 1

539 44 15
                                    

Chapter 1


Mainit ang pakiramdam ni Xavier nang matanggal sa kanya ang kanina pang nakatutok na ilaw. Ngayon isa siya sa main models ng isa sa pinakamabiling magazine sa bansa. Hindi lang kasi mukha ang target ngayon ng mga ilaw kung hindi pati rin ang katawan niya na puro oil, napapailing na lang siya dahil ang theme yata sa issue 'tong ay slippery when wet.


Ampota parang nag sun bathing na ako sa tagal. Bulong niya sa sarili dahil sigurado siya na mangingitim siya rito.


"Okay, pack-up! Ang galing mo talaga Xavier, sino mag-aakala na makakatagal ka ng ganoon katagal sa tindi nitong mga ilaw na nakatapat sa'yo?" Bilib na sigaw ni Ethan Race na siyang photographer nitong event.


"Thank you" wala ganang sagot ni Xavier at naglakad palabas ng shooting area at kinuha agad ang twalya para punasan ang nanlalagkit niyang katawan. Mabuti na lang at nakasuot siya ng jeans kaya hindi masyadong tumatagos ang init sa pang ibaba niya.


Napantingin siya nang may tumabi sa kanya habang nagpupunas.


"Ang ganda talaga ng abs mo Xavier! Tsk, kailan ka ba papayag na uminom tayo tapos ng shoot?" Kukunin sana ni Jeremy ang twalya para tulungan siya na magpunas ng oil pero hindi niya ito pinayagan.


"Sabi naman sa'yo busy ako kapag gabi lalo na ngayon at anong oras na tayong natapos, I really need to go home maybe next time?"


Hindi na kumibo si Jeremy at tumango na lang. Ilang beses niya nang niyayaya si Xavier lumabas dahil gusto niyang makilala pa sana ito, hindi lang sa personal kung hindi sa kama. Simula nang nakilala niya si Xavier ay walang bukambibig ang mga tao sa set na siya ang pinakapogi sa lahat ng models and hindi naman sila mali.


Natapos na ring magpunas si Xavier at nagmamadali itong pumunta sa dressing room para magbihis at mag-ayos. Hindi na siya mapakali dahil kanina pa siya may inaabangan.


Nang makapagbihis siya ay agad siyang nag-book ng masasakyan gamit ang cellphone niya at mabuti na lang at mayroon kaagad nakuhang driver. Nagtingin muna siya sa social media at sinisiguradong wala siyang nakaligtaang brand deals.


"Bye, everyone! Bye Ethan, see you sa launching nitong magazine." Magalang niyang bati bago siya lumabas. Tumango rin siya kay Jeremy at nagmadaling nanakbo pababa ng hagdan.


Dahil malapit lang rin sa condo niya itong shoot ay madali lang ang naging biyahe ni Xavier. Matagal na siyang nakatira dito simula pa lang noong third year college siya dahil bigay ito ng lalaking kanina pa tumatakbo sa isip niya. Kung tutuusin hindi niya naman kailangan nitong condo dahil sa malapit na probinsya lang rin naman nakatira ang pamilya niya.


Pero hindi sila makakapagkita..


Nasa harap na siya ng unit niya at rinig niya sa labas ang malakas na tunog ng TV. Andito siya.


Binuksan niya kaagad ang pinto at pagpasok niya ay sumalubong sa kanya ang matalas na tingin sa kanya ni Ralph.

Pining & ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon