Chapter 6
"Thank you, guys! Sana maganda ang araw niyo after niyo manood nitong live."
Ilang regalo pa ang pumasok sa live ni Xavier at mga comments na naglalaman ng puro papuri o di kaya naman ay nagsasabing magtanggal siya ng damit. Ngayon sinimulan ni Xavier ang pagla-live para na rin makakuha rin mga shares at likes dahil naghahanda na siya para sa Samaniego group endorsements.
Pero sa totoo lang ang pagla-live ang nagbo-boost ng confidence niya. Growing-up hindi niya naman talaga naramdaman na gwapo siya lagi lang siya yung kasama sa tropa, yung tinatanungan kung ano ang opinion niya pero hanggang doon lang 'yon. I was never the branded as the heartthrob.
"Hahaha! I'll end the live na, guys! See you when I see you," Wika pa ni Xavier bago pindutin ang end live button.
Ngayon na ang weekend kung saan nasa business trip si Ralph kaya hindi na sila halos nagkita matapos niyang pumunta sa opisina nito. Kahit isang tawag rin ni Jared ay wala siyang sinagot. Gusto na lang muna niyang matahimik at gawin ang mga huling trabaho na naka-assign sa kanya para matapos na ang mga kontrata ng mga brand.
Nang maligpit niya ang mga gamit niya na ginamit sa live ay biglang nag-ring ang telepono niya at rumehistro rito ang numero ni Ren. Sa mga nangyari nitong nakaraan ay hindi na-update ni Xavier ang manager niya kaya alam niya na tatalakan siya nito.
"Hello," bungad niya at biglang bumuntong hininga si Ren.
"Why did you sign the contract? Kaka-receive ko lang ng email Xave, what happened?" Dire-diretsong tanong sa kanya ni Ren na siyang ikinatahimik niya sa kabilang linya.
"Would you like to meet? Sa coffee shop near my condo," aniya at sumang-ayon na lang sa kanya si Ren at sinabihan siya na magdadala ito ng printed copy nung contract.
Lumipas ang halos trenta minutos at nagkita silang dalawa sa coffee shop. Purong puti ang coffee shop na ito at may mga decorations na salamin na lamesa sa loob. Medyo kakaunti lang rin ang tao kaya agad niyang nakita si Ren na hawak ang kontratang papel.
"Hi Ren,"
Umupo si Xavier sa parang bangkito at namamagitan sa kanilang dalawa ni Ren ang salamin na lamesa.
"Why?"
"I'm sorry, okay? I was in a huge situation na I just signed it without thinking." Aniya at umiling si Ren.
"Xavier, you did not read the contract properly. I will not be your manager anymore based sa email and stipulated sa contract na 'to. Are you aware?"
Dito umiling si Xavier dahil wala namang nabanggit sa kanya sina Sarah nung nakaraang meeting nila. Kahit mayroon na siyang kopya nung contract ay wala rin siyang panahon para basahin ito dahil wala na rin namang silbi dahil nakapirma na siya.
"I'm sorry," 'yan na lang ang masasabi niya dahil kahit papano isa siya sa kinukunan ni Ren ng pera dahil sa mga engagements niya.
BINABASA MO ANG
Pining & Obsession
RomanceLagi nilang sinasabi sa akin to don't fall in love with a bed playmate or else I'll get hurt. Pero hindi nila alam na for almost five years I was happy serving him, loving him, and taking care for him sa paraang ako lang ang makakagawa. Not until...