𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 5

254 23 15
                                    

Chapter 5


Sobrang galit na galit ang panahon at parang nilinis nito ang dugo sa sahig kung saan nagsagupaan sina Jared at Ralph dahil matapos silang maawat dalawa ay lalong lumakas ang ulan.


Dahil sa gulat sa mga narinig niya ay hindi na muling nagsalita si Xavier at nakatayo lang ito nang hinila siya ni Ralph. Sobrang higpit ng hawak nito sa mga kamay niya na parang mababali ang buto nito.


"Ralph, ang sakit!" Angal nito pero walang pakiaalam si Ralph at bigla siyang tinulak nito papasok sa elevator paakyat sa unit niya.


Walang namagitan na kahit anong pag-uusap sa kanilang dalawa at hinimas lang ni Xavier ang masakit niyang kamay lalo na ang lugar kung nasaan bakat ang mga kamay ni Ralph na nasa may bandang pulso niya.


I guess I deserved this. Ang mga katagang tumatakbo sa isip ni Xavier. Bakit nga ba ako lumapit kay Jared ulit?


Nang makapasok silang dalawa sa unit ay hinarap ni Ralph si Xavier sa kanya at parang isang kidlat na lumapag ang malakas na sampal sa mukha ni Xavier.


"You fucker!" Sigaw ni Ralph na nagpanginig sa katawan ni Xavier.


Hindi siya sanay na sinisigawan siya nito dahil ang gusto lang naman ni Xavier ay ang mahalin siya ni Ralph.


'Yung makakasama niya tuwing nahihirapan siya sa buhay, 'yung yayakapin siya kapag may matindi siyang pinagdadaanan.


"I'm sorry," ang mga salitang lumabas sa bibig ni Xavier dahil wala talaga siyang masabi. He will always bow down to Ralph dahil he was fixated to do so.


Tumawa nang pagak si Ralph. He never imagined Xavier going out with Jared again, tangina nilang dalawa! Hindi niya rin mapigilan ang sarili niya kaya niya nasampal si Xavier.


"Gusto mo na yatang matapos 'to eh? Tangina gustong gusto mo na bang makatikim ng iba?" Bulyaw ulit ni Ralph at hindi sumagot si Xavier.


Umiling na lang si Ralph dahil ito ang kumpirmasyon, "Okay, let's end this fucking thing Xavier."


Umalingawngaw na lang ang tunog na pintuan ng pintuan niya nung biglang tumulo ang mga luha sa mata ni Xavier.


Ito na ba 'yung katapusan? Malaya na ba ako? Ang mga tanong na nasa utak niya, pero ayaw niyang lumaya. Hindi pa nawawala ang nararamdaman niya kay Ralph, kailangan maibuhos niya ang pagmamahal na nararamdaman niya rito.


Halos ilang minuto rin ang lumipas nang nagdesisyon siyang lumabas ng condo unit at habulin si Ralph. Panay pa rin ang tulo ng luha niya na pinupunasan niya rin kaagad dahil wala siyang makita habang tumatakbo papunta sa elevator.


Parang tadhana na rin ang nagdesisyon na saktong nasa floor na ni Xavier ang elevator. Agad siyang pumasok at parang bubuyog dahil hindi siya mapakali, hindi pwedeng matapos rito.

Pining & ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon