Chapter 11
Tila niyebe ang pagbasak ng mga dahon habang nakatanaw si Xavier sa bintana ng classroom nila. Ilang buwan na lang bago matapos ang pangalawang sem ng third year niya sa kolehiyo. He's taking a degree in Chemistry dahil ito ang passion niya simula high school pa lang.
"Alam mo ba narinig ko lang sa mga nakatambay sa field kanina na sale raw ang alak sa bilyaran kapag group ang iinom?" Bulong ni Dom kay Xavier na iniling lang nito.
"Dom, hindi ako marunong mag bilyar at ayaw ko uminom mamaya."
Pumadyak si Dom sa sahig, "hindi pwede at tsaka pumayag na si Jared kahit nahiya akong i-chat 'yun tapos sabi niya pa diretso na raw sya after class. "
Taena wala na ako magagawa dahil pumayag na rin yata si Jed ugok.
Ayaw uminom ni Xavier kaya magiging display lang siya mamaya sa bilyaran at iinom ng tubig or kung ano pero hindi alcoholic. He needs to be sober lalo na at mag-aaral siya pagkatapos ng inuman na 'yan.
Walang namagitang usapan na dahil nanahimik na rin si Dom dahil alam niya na hindi papayag si Jed na hindi ako kasama. Nakinig na lang siya muli sa discussion ng prof na nasa harap nila.
Matatapos na rin naman na ang klase at oras na para kumain sila ng meryenda dahil mukhang tatapusing ang professor nila ang tatlong oras na discussion. Hindi naman sa pagmamayabang pero Xavier has been the top student of their batch ngunit matindi ang pressure ngayong third year na sila dahil sa dulo ng sem ay malalaman kung saan siya mapupunta for internship.
"And I think it ends here. Good bye, class!"
Animo nagliparan ang mga kaklase ni Xavier at silang magbabarkada na lang ang natira sa classroom. Magkakahiwalay sila kaya lumapit sa kanila sina Kate at Audrey.
"Anong plano?" Banggit agad ni Kate pagkalapit.
Nagtatalo ang mga kaibigan niya dahil ayaw ni Audrey na dumiretso sa bilyaran at uminom dahil maaga pa.
"Kumain muna tayo." Ani Xavier at natahimik si Dom, Kate, at Audrey.
"Alas-singko pa lang kaya please ikain muna natin 'to ng dinner." Dagdag pa niya at tumango ang tatlo.
"Minsan lang sasama sa atin si Xave kaya pagbigyan na 'yan!" Sigaw ni Dom kaya nagsipayagan sila.
Maraming kainan na nakapaligid pero pinili na lumayo para raw matagtag ang kinain nila papunta sa bilyaran na nasa tapat lang mismo ng University. Maraming tao kung saan sila umorder ng hapunan kaya overwhelemed si Xavier.
Hindi naman siya madaldal pagdating sa mga kaibigan niya pero hindi niya maiwasang magbigay ng mga opinyon, "hindi ko kasi ma-gets bakit kailangan pa natin mag bilyar," aniya at nagtawanan ang mga kaibigan niya.
"Alam mo Xave 'wag masyadong subsob sa pag-aaral. Sinasabi na rin namin 'yan sa'yo simula first year pa lang tayo." Balik ni Audrey at tumango naman si Kate.
BINABASA MO ANG
Pining & Obsession
RomanceLagi nilang sinasabi sa akin to don't fall in love with a bed playmate or else I'll get hurt. Pero hindi nila alam na for almost five years I was happy serving him, loving him, and taking care for him sa paraang ako lang ang makakagawa. Not until...