Chapter 3
Ralph came a lot. Ilang rounds na ang lumipas simula nung nagsimula silang dalawa at inabot na sila ng halos hatinggabi. Xavier is a bed mate at ayaw niya na kung kani-kanino ito lumalandi para magpakamot.
Mangiyak-ngiyak si Xavier habang hawak ni Ralph ang leeg nito, "I told you Ralph na nagkita lang kami for a reunion," explain nito bago humilata si Ralph sa tabi niya.
"Then don't fucking go to those reunions! Tangina mo Xavier sinabi ko na sa'yo na ako lang dapat ang kakama sa'yo; tandaan mo na gusto ko yung malinis and 'yan lang ang advantage mo."
Dahil laging sinasabi sa kanya ito ni Xavier lagi siyang nagpapa-test every month para malaman ang status niya. Wala naman rin siyang ibang nakaka-sex bukod kay Ralph pero para mapanatag ito, iyon ang isa sa mga monthly routine na ginagawa niya.
"Walang mangyayari sa amin Ralph, I am your fuck buddy remember?" Sagot niya at humarap sa kanya ang lalaking parang halimaw kung paano siya gamitin kanina.
Hinawakan nito ang baba niya at nagkatitigan sila ng mata sa mata, "Imagine your life na hindi ka na nagta-trabaho, I told you na itigil mo na 'yang social media and modelling bullshit mo and I'll just give you a lot of money."
Nanikip ang dibdib ni Xavier sa sinabi ni Ralph. He sacrificed a lot for this relationship pero sa tuwing ganito ang nangyayari ang tingin lang ni Ralph ay naglalaro lang siya.
"I need to work Ralph. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin lalo na ang pamilya ko kung malaman nila na wala akong ginagawa para buhayin sila."
Tumawang pagak si Ralph, "I can give them the life that they want so they can live you alone."
Alam ni Xavier na wala ng kakapuntahan ang pag-uusap nila at malapit na siyang mag-spiral sa mga sunod pang sasabihin ni Ralph. Sa totoo lang after the reunion doon niya naisip kung gaano siya kawalang kwenta dahil malayo na ang narating ng mga kaibigan niya.
He stays dahil mahal niya si Ralph.
"Itutuloy ko na ang pagluluto ng dinner." Aniya sabay tayo sa kama at nagsuot ng mga damit na kanina lang ay suot niya.
Maulan ang buong gabi at bakas sa bintana ng condo ang mga tubig na kanina pa bumubuhos sa buong business district. Simula pa lang nung tumira siya dito matapos ibigay ni Ralph ang condo ay lagi siyang natutuwa sa mga bakas ng ulan sa bintana at para itong mga luhang lagi niyang kinimikim para sa pagmamahal niya kay Ralph.
Natapos siyang magluto ng nilagang manok dahil iyon lang naman ang putaheng lutuin. Naghain na rin siya ng kanin at tinawag na si Ralph na siya ring lumabas ng nakasuot lang ng itim na boxers. Tinapon niya ang mga basura mula sa pinaglutuan niya at nakita niya muli ang balat ng chocolate na naging dahilan ng mga kaganapan ngayon.
Umupo silang dalawa at nagsimulang kumain. Tinignan niya kung paano ngumanga si Ralph at tinikman ang luto niya. Para talaga siyang prinsipe... sa loob-loob ni Xavier.
BINABASA MO ANG
Pining & Obsession
RomantikLagi nilang sinasabi sa akin to don't fall in love with a bed playmate or else I'll get hurt. Pero hindi nila alam na for almost five years I was happy serving him, loving him, and taking care for him sa paraang ako lang ang makakagawa. Not until...