𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 2

350 37 11
                                    

Chapter 2


Lumipas ang ilang araw at nakatanggap si Xavier ng text mula sa mga college friends niya para sa isang mini reunion dahil dumating na si Jared. Napahinga ng malalim si Xavier at binato muna ang cellphone sa sofa kung saan kakatapos niya lang mga live sa social media dahil sa isang brand deal na tinanggap niya.


Hindi niya magugustuhan na nagkita kami ni Jared. Bulong ng utak niya pero deep inside he wants to meet an old friend.


Tumunog pa ulit ang cellphone niya na siya rin naman niyang kinuha at nagsend ang isa sa kaibigan niyang si Kate ng location sa group chat kung saan nandoon rin si Jared.


Lahat dapat pumunta ha? May surprise gift yata si Jared!


Basa niya sa chat at hindi na siya nakatiis. Dahil nakaayos naman na siya dahil sa live na ginawa niya kanina ay walang atubili na siyang pumunta sa may pintuan ng unit niya para magsapatos.


Dahil nasa central naman ng lahat ang condo niya halos walking distance lang ang layo ng restaurant kung saan sila magkikita. Hindi naman rin siya nagsabi sa group chat nila na pupunta siya pero deep inside gusto niya na masurpresa silang lahat!


Being the gay teenager in college, he was able to go through sa lahat ng tingin nila ng mga tao because of his friends. Kaya he can never decline any invites from them in a way.


Dumating siya sa isang malaking restaurant kung saan may kulay dilaw na pintura at magandang chandelier. Medyo marami ring kumakain rito pero nawala siya sa pagtingin ng mga muwebles ng biglang may tumapik sa braso niya.


"Fancy seeing you here, Xave. Akala ko hindi ka na pupunta."


Lumingon si Xavier at nakita niya ang matangkad na pigura ni Jared. Kahit matagal siyang nasa ibang bansa ay hindi nagbago ang pagiging moreno nito pero ngayon mamula-mula na ito. Nag-iba rin ang ayos ng buhok nito dahil luminis at umayos. He really looks like a professional!


"I wouldn't miss the chance." Sagot niya pabalik at umiling na lang si Jared sabay inakbayan siya nito.


Just like the old times.


Pagpasok naming ng reserve na room ay agad na natinginan ang mga kaklase namin nung college.


"Ayon! Andito naman pala si Xavier Quintana! Akala ko sa sobrang sikat mo sa social media hindi ka na namin makikita eh." Ani Kate at sumegunda naman ang iilan sa mga kaibigan rin naman na si Doms at Audrey.


"Gago! Nag-social media influencer lang ako for clout, hahaha!" Sagot niya at nagtawanan sila.


Hindi kumibo si Jared bagkus ay kinuha nito ang upuan at dinirekta si Xavier na umupo. He did not expect for Xave to change this way. Looking at him so posh and handsome ang layo niya na sa nerdy na Xavier na nakilala niya.


Umupo naman si Xavier at tsaka umupo sa tabi niya si Jared. Kung tutuusin mas matagal silang magkakilala ni Jared kaysa kay Ralph. They've been friends since high school pero nung college nagkaiba lang sila ng course pero still iin the same university pa rin naman.

Pining & ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon