𝕻𝖗𝖔𝖑𝖔𝖌𝖚𝖊

1K 61 20
                                    

Prologue


Matingkad ang ilaw ng buong business district at maliwanag pa rin ang langit kahit gabi na. Hawak ni Ralph ang isang baso ng whiskey at inikot-ikot niya ang baso na may bilog na yelo. He deserves it! Ngayon nakuha niya na ang posisyon na matagal ng nakapangalan sa kanya.


Pero sa ngayon hindi kayang pantayan ng kung ano mang posisyon ang nararamdaman niya.


He never chose to feel this way in the first place. He was a fuck buddy for fuck's sake! Kung alam niya lang na mahuhulog siya after so many years, he should've held him tight!


'Yung hindi siya makakawala...


'Yung hindi siya makakahinga...


'Yung hindi siya makakawala sa paningin niya...


Lumingon si Ralph nang naramdaman niyang may pumasok sa opisina niya. Mapayat at pagod na pagod na ang sekretarya niyang halos isang linggo nang naghahanap.


"Sir hindi pa rin siya mahanap ang last location niya! Sabi ng mga tauhan natin na lahat ng devices niya naka-off and no cards were used to withdraw money." Kabadong wika ng sekretarya niya. Aminado ito na sa inaasal ni Ralph ay hindi maganda lalo ang magiging timpla nito.


Ganun na nga ang nangyari at parang sinilaban ang ulo ni Ralph at malakas na binato ang baso ng whiskey na halos hindi niya pa nababawasan.


"Then fucking do everything that you need to do para mahanap mo siya!" Sigaw nito at dali-daling tumakbo ang sekretarya niya palabas ng pintuan.


Napahawak siya sa sentido niya, this is the first time he felt this sorry for himself. Malalim na ang mga mata niya dahil halos dalawang linggo na siyang walang matinong tulog at hindi rin siya makakain ng maayos sa kakaisip.


Sino kaya ang kasama niya at nasaan siya?


Kahit anong mangyari alam niyang gagawin niya ang lahat para lang bumalik siya. Kung kinakailangan na ikulong siya sa loob ng kwarto para lang hindi siya makuha ng iba gagawin niya.


Napaupo na lang si Ralph habang hawak pa rin niya ang sentido niya. Unti-unti habang tanaw niya ang liwanag ng iba't ibang building sa buong business district ay lumalabo ang paningin niya at dahang dahan tumulo ang mga luhang matagal niya nang kinimikim.


Isang bagay lang ang umiikot sa utak niya, "hindi siya pwedeng mawala... dahil mahal ko siya" mahinang bulong niya sa hangin na alam niyang wala ang taong gusto niyang makarinig.

Pining & ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon