Chapter 7
"1, 2, and 3! Great shot, turn to your left,"
"Another great shot!"
Iyan ang mga linya na sinisigaw ng photographer nang humarap si Xavier sa camera. Parang nabigla ang lahat ng tao sa presensya niya dahil sobrang plastado ng itsura at sobrang ganda rin ng work ethic ni Xavier.
Nagtagal ang dalawang model kanina na sina Erick at Fritz dahil hindi nila makuha ang mga anggulo na sinasabi ng photographer. Kaya nakailang retake rin sila at retouch kaya ngayon lang nasalang si Xavier.
Ang hindi naman alam ni Xavier na halos lahat ng tao rito ay napansin ang pagpunta ng anak ng may-ari ng Samaniego group sa dressing room kung saan naiwan silang dalawa. Iilang mga kilay rin ang tumaas sa nakita nila dahil ngayon lang dumalaw sa isang photoshoot ng boss mismo ng kompanya.
Ano ba ang meron ang Xavier Quintana na 'yan?
May mga matang naiinggit sa kanya pero wala silang magawa dahil talaga namang magaling si Xavier.
Natapos ang photoshoot at pinapakita ng photographer kay Xavier ang ilan sa mga shots, "You're really talented at this, Xavier. Buti na lang you came across Samaniego group!"
"Thank you po. Freelance modelling lang mainly yung job ko before so medyo familiar naman ako how everything works."
"That's good! You know there are good opportunities outside the country, you can let me know if you'd like to have it. By the way, I am James! I also work as a freelancer focusing more on company ads kasi mas malaki bayad." Ani James at natawa silang parehas.
"I have to agree, thank you James. See you next photoshoot, maybe?" Nakangiting wika ni Xavier at tumango lang si James.
Sa sobrang puti nito at gwapo parang malilito ang lahat dahil mas mukha pa siyang model kaysa sa ibang kinuhanan ngayong araw.
Halos hapon na natapos ang photoshoot at kahit isang beses ay hindi nakakain si Xavier. Ugali niya na ito dati pa man dahil feeling niya pumapanget ang figure niya sa camera kapag kumakain siya at nawawala ang mga mucles na mas maganda camera kung wala siyang kain.
Mabilis lang ang biyahe mula sa shoot pabalik sa condo building niya. Gutom na talaga siya kaya buong biyahe ay iniisip niya lang kung ano ang lulutuin niya. Yan ang rason kaya nagmamadali siya na umakyat sa unit niya.
Parang rapido niyang binuksan ang pinto dahil kahit isang tinapay ay kailangan niyang kumain. Pero nagulat siya na pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang hubad-baro na katawan ni Ralph.
"I've been waiting for so long!" Aniya sabay hila sa braso niya at sara ng pintuan.
Marahas ang halik ni Ralph habang sinandal siya nito sa pintuan kung saan sila pumasok. Naramdaman niya ang dila nito na unti-unting pumapasok sa bibig niya. Sinalubong niya naman ang mga halik nito.
BINABASA MO ANG
Pining & Obsession
Roman d'amourLagi nilang sinasabi sa akin to don't fall in love with a bed playmate or else I'll get hurt. Pero hindi nila alam na for almost five years I was happy serving him, loving him, and taking care for him sa paraang ako lang ang makakagawa. Not until...