Chapter 4
Napaatras si Xavier sa sinabi ni Jared, "I told you Jared na mahal ko si Ralph and you know I cannot easily escape,"
"Let me try to release you from him. Love will always fade away, Xave at lagi akong nandito to remind you about that."
Hindi na kumibo si Xavier at ininom na lang niya ang kapeng inorder para sa kanya ni Jared. Dahil ilang araw pa lang na nandito si Jared ay agad napansin ni Xavier ang pagbabago sa itsura nito.
Ibinaba ni Jared ang buhok niya at nagsuot ito ng salamin na katulad nung suot nito nung college sila. Sa totoo lang naman ay nakasuot si Xavier ng contact lens halos araw-araw para makakita ng maayos. Naging parte na ito ng makeover niya para maging isang influencer at model.
"Pag-isipan mo pa rin Xave yung offer ng company. Magandang exposure 'yon for you and sa portfolio mo if you really want to make it big," pagbaba ni Jared ng usapan na naintindihan niya naman.
Sa pagiging isang social media influencer siya nabuhay ng halos limang taon at wala pang isang taon niyang ine-explore ang modelling. Wala naman rin siyang binabayaran na bill kaya sapat na ang pera na kinikita niya noon para matustusan ang pamilya niya sa probinsya.
Nag-model rin siya dahil na rin kailangan na si Ralph sa kumpanya nila at hindi na ito madalas sa condo unit.
"Don't worry tatanggapin ko naman rin 'yon. Maganda naman rin ang payment scheme so I'll go for it."
Hinatid ni Jared si Xavier at wala na rin naman siyang nagawa kaya pumayag na lang rin siya. Bababa pa sana si Jared pero pinigilan na siya ni Xavier, hindi niya kakayanin kung magkakaroon ulit ng bagong picture ang receptionist ng condo building na 'to.
"See you, Xave. I will never back-out, remember that."
Dinaig pa ang simbahan sa katahimikan ng buong kotse dahil walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni Xavier. He left me the last time... 'yan ang mga katagang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya.
Lumipas ang halos tatlong araw at nagising si Xavier ng maaga dahil ngayon ang araw para pumunta sa office para pumirma ng final draft ng contract. Pero hindi siya sa alarm clock niya nagising bagkus sa isang malakas na call ringtone.
Akala niya para ulit ito sa isang brand deal pero agad na bumati ang babae na nasa kabilang linya, "Hello Mr. Quintana, this is the new secretary of Mr. Samaniego. He asked me to inform you po that he'll be in a business trip until tomorrow or until the work finishes".
"Oh alright, may I know who's this?"
"This is Sarah po."
"Alright, Sarah. Nice to meet you, call me Xavier na lang."
"Also, he'll drop off raw po after the trip. Thanks Xavier!"
Napailing si Xavier dahil para na siyang nagiging appointment ni Ralph kaysa noon na kahit papano ay pinapadalan siya nito ng text or tatawag kung pupunta siya o hindi.
BINABASA MO ANG
Pining & Obsession
RomanceLagi nilang sinasabi sa akin to don't fall in love with a bed playmate or else I'll get hurt. Pero hindi nila alam na for almost five years I was happy serving him, loving him, and taking care for him sa paraang ako lang ang makakagawa. Not until...