Chapter 8
Maalimuong ang amoy ng mga lupa nang nakarating si Xavier at si Jared sa bahay nito. Simula nung sinakay siya ni Jared sa kotse ay bumuhos ng malakas ang ulan. Parang wala siya sa ulirat at halos lahat ng tao ay tinatawagan ang telepono niya.
Pati si Ren na nanahimik sa ibang mga raket niya ay tinatawagan rin siya. Pero ang nagpabalik sa sakit na nararamdaman niya ay ang tawag ni Ralph. Parang isang malakas na alarm ana gumulantang ito sa kanilang dalawa ni Jared.
"Turn off your phone," aniya at wala na rin siyang nagawa dahil parang natorete na si Jared kaya hinablot niya ang cellphone ni Xavier at pinatay ito.
"I'm sorry, Jed," ang mga salitang namutawi sa bibig ni Xavier dahil hanggang ngayon ay para pa rin siyang nabuhusan ng malamig na tubig.
He's never enough.
"You don't need to be sorry Xave. Hindi kita tatanungin kung ano ang nangyari pero if you're open to share it with me then do it. Pero right now, pumasok muna tayo sa bahay para makakakain rin tayo ng hapunan."
Nang makalabas sila ng sasakyan bumalik ang alaala ni Xavier noong nasa college pa sila dahil kahit isa ay walang pinagbago ang garahe at itsura ng bahay nila Jared. Kung noon ay maliwanag ang bahay at masigla ngayon ay si Jared na lang nandito dahil nasa ibang bansa na ang pamilya niya.
Bakas sa mumunting ilaw ng garahe ang patak ng ulan sa morenong braso ni Jared. Kahit papano ay kumalma na ang nararamdaman ni Xavier kaya kahit masakit pa rin pinili niya na 'wag na muna itong isipin.
"You can stay here kahit kailan mo gusto. Magluluto lang muna ako ng dinner," wika ni Jared pagpasok nilang dalawa sa bahay. Napanganga si Xavier dahil walang muwebles ang nagalaw at para talaga silang bumalik noong mga teenager pa sila.
Umupo si Xavier sa isa sa mga sofa at huminga ng malalim. Hindi niya hawak ang cellphone niiya dahil binulsa ito ni Jared bago sila bumaba ng sasakyan. Wala pa rin siya sa katinuan dahil tumatakbo pa rin rito ang mga nakita niya sa dressing room. Kung paano tumaas baba si Erick sa mga binti ni Ralph.
Sinandal niya ang ulo niya sa pader para kahit papano ay makapagpahinga siya. This is the first time na he did not continue to work dahil may nangyaring hindi maganda sa kanila ni Ralph. Usually, work is an escape when something bad happens pero ngayon hindi siya makalabas.
"Dinner's ready, pumunta ka na sa lamesa at maghahain na ako." Tawag sa kanya ni Jared. Pagdilat niya ay bumulantang sa kanya si Jared na nakasuot pa ng apron at walang suot na pangtaas.
May butil butil na pawis ang braso nito dahil siguro sa init habang nagluluto pero putok na putok ang mga ito dahil sa muscles. Napailing na lang si Xavier at tumayo na siya para pumunta sa lamesa.
Ilang minuto lang siyang nag antay at pinapanood si Jared na maghain. Simpleng nilagang manok lang ang niluto nito na mabilis nga namang lutuin. Mainit rin ang kanin at halatang bagong inin lang ito.
Kumain silang dalawa at parang bagong putahe ang natikman ni Xavier dahil ngayon lang siya ulit nakatikim ng luto ng ibang tao. For the past years na nasa condo sila ni Ralph, ay siya lang ang nagluluto at naghahanda ng mga kakainin nila dahil gusto nga nito ng mga lutong bahay. Unless minsan gusto ni Ralph na umorder na lang sa labas kaya nakakapahinga siya sa pagluluto.
BINABASA MO ANG
Pining & Obsession
RomanceLagi nilang sinasabi sa akin to don't fall in love with a bed playmate or else I'll get hurt. Pero hindi nila alam na for almost five years I was happy serving him, loving him, and taking care for him sa paraang ako lang ang makakagawa. Not until...