𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 12

143 19 4
                                    

Chapter 12


Hindi alam kung ano ang nararamdaman ni Xavier, ilang araw na ang lumipas simula nang makilala niya si Ralph. Animo'y nagayuma siya dahil kahit walang pasok nitong weekend ay gusto niyang pumasok at hanapin kung nasaan si Ralph.


Lunes na ngayon at kasalukuyan siyang nag-aayos. Umuwi siya sa mga magulang niya nitong hapon ng Sabado at Linggo kaya halos mabaliw siya dahil wala siya masyadong makausap sa bahay. Malapit lang naman ang probinsya kung saan naroon ang pamilya niya pero pinili niya pa ring mag dorm para hindi hassle.


Xavier has been avoiding home ever since mag-college siya. Even though may kaya naman ang pamilya niya and can afford na bumili ng apartment ay talagang umiiwas siya rito dahil overbearing silang lahat. Lalo na ngayon at alam niya na sa sarili niya na bakla siya.


Naglalakad siya ngayon sa University umaasa na baka makita niya si Ralph. Para siyang high school ulit na nag-aabang ng crush niya sa hallway.


Lord sana lumiit ang mundo. Pabulong niyang dasal habang naglalakad. Xavier has never been into any relationships bukod sa occasional na pang-aasar sa kanilang dalawa ni Jared ng mga kaibigan niya.


Nag-vibrate ang cellphone niya at binasa ang message na mula mismo kay Jared. Speaking of the devil!


Jared: See you later at lunch?


Nag-type siya ng isasagot dahil hindi siya pwede ngayong lunch dahil ibang oras ang tapos ng klase nilang dalawa. Habang tuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa naramdaman niya na para siyang sumangga sa matigas na pader.


"Aww," aniya at nalihis ang tingin niya sa cellphone at sa kung sino ang nabangga niya.


Tila answered prayer agad ang naramdaman ni Xavier dahil ang nabangga niya ay walang iba kung hindi si Ralph. Tumibok ng malakas ang puso niya dahil sobrang gwapo talaga nito.


"I'm sorry," balik ni Ralph sa kanya at hindi sumagot si Xavier bagkus ay akmang iiwas ito at maglalakad ulit pero bigla siyang hinila ni Ralph sa braso.


"Wait, 'di ba ikaw yung nasa billiards last week? What's your name again?"


Namula ang mukha ni Xavier dahil hindi niya inakalang matatandaan siya ni Ralph, "Uhhh Xav—Xavier."


Binitawan siya ni Ralph bago ito ngumiti ng sobrang tamis, bakas sa singkit na mata nito ang pagiging interasado, "Nice to meet you Xavier. Do you have a nickname ba?"


"Xave."


"See you around, Xave." Balik nito bago naglakad papalayo. Nalalambot ang pa ani Xavier sa mga nangyari dahil he never felt seen all his life.


He was a nerd after all! So after seeing someone becoming interested in him sparks joy. Naramdaman tuloy ni Xavier ang sobrang lakas na motivation to do his best ngayong araw!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pining & ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon