Kabanata 23: Lantang Rosas

3 4 0
                                    

Rose's POV

NAGISING akong hindi alam kung nasaang bahagi na ako ng mundo.

Madilim.

Napakadilim sa lugar na 'to!

Mahigpit pa ang tali sa aking mga kamay na nakagapos sa harapan ko.

Na- Nasa'n ako?

NASAN AKO?!

Pinilit ko ang sarili na makaupo mula sa pagkakahiga sa tulong ng aking mga paa.

Sisigaw ako.

SISIGAW AKO DAHIL... DAHIL BAKA MAY MAKARINIG SA'KIN!

"HMMMMMMM!!!"

Hindi.

HINDI 'TO MAAARI!

Mayroong malamig na tape na tumatakip sa aking bibig!

Sa pagkabigo, isinandal ko na lamang ang aking likod sa... pader ba 'to ng isang bahay?

Iniangat ko ang tingin at may nakitang isang bintana.

Dito lang banda nanggagaling ang tanging liwanag mula sa labas na nakikita ko sa lugar na 'to. Lumulusot ang liwanag sa siwang ng mga kahoy na tumatakip sa bintana.

Ilang distansya pa sa aking gilid ay isang puting higaan. Nasa bilangguan ba ako? Napakadilim naman kung ganoon.

Niyakap ko ang aking mga binti habang pinagdikit ang mga tuhod sa aking dibdib.

Gusto ko mang lumisan... pero hindi ko magawa.

May nagmamasid doon.

MAY MGA MATANG NAGMAMASID DOON SA DILIM---BINABANTAYAN ANG BAWAT KILOS KO.

Pumapatak na ang mga pawis na nagmula sa aking noo. Ang tibok ng aking puso ang umaalingaw-ngaw sa pandinig ko dahil sa katahimikan dito.

Ang huling naalala ko lang ay ang pagspray ng nakamaskarang tao sa bahay ko.

Pagkatapos no'n...

Nawalan na ako ng malay.

'Yan ata siya.

'Yang mga mata sa dilim.

S-Siya 'yan!

"Mary Rose...? Give me the key."

May nagsalita roon sa dilim.

Baritono at malamig ang boses.

Hindi ko mapigilang manginig sa takot nang nakarinig ng mga yabag papalapit sa'kin.

Palapit siya.

Palapit nang palapit!

Parang hiniwa ang aking puso nang may tumanggal ng tape sa aking bibig.

Gusto kong sumigaw.

GUSTONG-GUSTO!!!

Tyansa ko 'to---

"Try to shout or else...," may naramdaman akong matalim na bagay sa aking leeg, "this knife will pierce your voicebox." Isang maling paggalaw ko lang, tiyak na mahihiwalay ang ulo ko mula sa katawan.

Gusto kong manlaban gamit ang baril ni Wil na alaala ko pang isiniksik sa aking likurang shorts.

Pero gayunpaman . . .

Hindi ko na maramdaman ito ngayon sa aking likuran.

"Kaya suhestiyon ko ay tumahimik ka na lang." Mahinhin man ang kaniyang boses, demonyo naman ito sa kailaliman. "I heard that you're great in singing. What a talented girl. Wouldn't it be a waste of talent if I make a little gash in your voice box? Hmm... mmhh ahha ha ha ha Ha HA HA HA HA..."

Evanescence Of DAFLACA SquadWhere stories live. Discover now