Kabanata 9: Silid-kulungan

21 13 16
                                    

"Where were you all this time?"

The man's question while maintaining his attention at the windshield. I remained silent.

"Wilbur! Alam mo bang labis ang pag-aalala ko sa'yo? Napakadelikado ng mundo tapos hindi ka pa uuwi ng bahay. Pa'no kung malaman ko na lang na patay ka na, ha? Ano?!"

Throughout the ride, I didn't even spoke back once. Nakarating kami sa isang simpleng bahay. Two-storey. Pinintahang puti na pinalilibutan ng mga hardin ng bulaklak sa labas.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay ang paghila niya nang mahigpit sa aking braso. Nakapasok na kami ng bahay ay hila pa rin ako nito. May isang babae, nasa kwarenta ang edad, kumakain sa may hapag. Tiningnan lamang kami nito sa pagpasok.

I found myself alone in a minimalistic room. Isang lagapak ng pinto ang aking narinig dahilan ng puwersang pagsarado ng pinto. Rinig ko pa ang kalembang ng bagay sa labas ng pintuan.

Napaupo ako sa tapat ng pinto at napasandal. What am I going to do now? Isip ko.

May malaking higaan rito. Maputing-maputi pa sa yelo. Sa bandang kaliwa ay may isang hindi kalakihang bookshelf. Tumayo ako para tingnan lang ang mga libro na nakalagay mula rito. Nothing interesting. All about Chemistry, Math, Biology, and Dictionaries. Just some nerd stuffs.

Sa gilid ng kama ay isang study table. May lampshade sa ibabaw nito. Sa upuan ay may malaking school bag na naglalaman lamang ng mga notebooks at dalawang libro. Kinuha ko ang mga ito at ipinasok sa briefcase. Laking pagtataka ko pa ay mayroong nakasulat sa ibabaw ng lamesang gawa sa kahoy. Ginamitan ito ng blue pentel pen.

Imperfect!

Sa napakalinis ng room na 'to, ito lang ang nag-iisang dumi. It looks out of place. Talk about dirt, there's this crumpled paper on the floor. I then picked it up.

Wilbur Hidalgo. 10 - Diamond. Pre-test in English 10. 50/50. Wow! Amazing :> Checked by Sophie Cutie♡

I crumpled it again and put it in the trash bin.

Hmn . . . May picture frame din palang natumba sa ibabaw ng lamesa. Isa itong larawan ng batang lalaki. Basag ang salamin ng picture frame at may maitim na tinta pa sa buong mukha nito na parang pinaglaruan ng bata.

Bugso ng hangin ay nagpupumilit pumasok nang pumuwang nang kaunti ang bintana sa harapan ko. Tuluyan ko na itong binuksan. Nasa ikalawang palapag ako.

I heard a sudden serene whistle outside. Each whistle was paired with a gentle breeze of the wind. Gawa ito ng isang dalaga sa katabing bahay. Nasa ikalawang palapag rin siya sa bintana, nagtatawag ng hangin. Hindi naman binigo ng hangin ang kaniyang pagsipol.

Kumaway ito nang namasdan na nakatingin ako sa kan'ya. Kumaway na lamang din ako. Baka sabihing suplado akong pagkatao. Isinara ko nang muli ang bintana.

Nandito na ang aking atensyon sa malaking aparador. Maraming damit at mga pantalon. Kasama na ang standard white uniform ng Sta. Lucia.

Hindi na ako nag-alinlangang kunin ang mga ito at inilagay sa malaking school bag. Isinali ko na rin ang mga magagarang damit, sombrero, at tuwalya. Now, this feels like I'm shopping.

Pagkatapos ay sinarado ko na ang bag na bulto ng maraming mga damit. Pinihit ko na ang door knob at aktong lalabas na sana nang hindi bumubukas ang pinto. Paulit-ulit kong sinubukang itulak pero wala lang nangyari.

Ibinaba ko ang dalang bag at napahiga sa kama.

The window's open. No, no, It'll be the easiest way to break one's legs.

Dumating ang kinabukasan. Nagising na lang ako nang bumukas ang pinto. It's the 40's lady I saw from the dining room.

May inihatid lamang itong pinggan na may kanin at saka isang mangkok ng mainit-init na noodles. Still, hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom. When was the last time I ate? I guess noong bumili kami ng hotdog ni Tine sa canteen.

Evanescence Of DAFLACA SquadWhere stories live. Discover now