Kabanata 24: Kitang-kita Kita

5 5 0
                                    

Vincent's POV

ALAS kuwatro y medya ng hapon. Inikot na ni ma'am ang susi sa kandado ng aming room upang ma-ilock na. Nagsama-sama kami ng mga kaklase ko sa paglalakad na pinangungunahan ng aming adviser.

Isa lang ang aming sadya bago matapos ang araw na 'to: Ang makadalo sa burol ngayon ni Chan.

Syempre inunahan ko na sila sa kanilang mga hakbang para hindi mahuli mamaya. Bibili pa kasi ako ng paborito kong inumin sa canteen.

"Chocolate milk drink, medium, isa." Iniabot ko ang singko at dalawang tig-pipiso sa tindero at tinanggap niya naman.

Bago na ba ang nagtitinda ngayon?

Hmm? Babae naman ang kadalasang nagtitinda rito.

Tahimik kong minamasdan ang tindero. Nakasuot ito ng cap at itim na face mask na kagaya ng sinusuot ko ngayon. May mga kulubot na sa noo at sa mga kamay.

Napunta na lang ang aking tingin sa magkabilang gilid ng kaniyang buhok. Akala ko ba matanda na 'tong tindero? Napakaitim pa ng buhok, o.

Baka... pinagloloko lang nito ang paaralan kaya nakapasok siya rito. Katulad ng 'Ma'am, Sir, matanda na ako. Wala po akong mga anak. Kaawa-awa po ako. Kailangan ko po ng pera.'

And voila, nandito na siya, nagtitinda.

Mga gawa-gawa ko talagang senaryo. Mahirap paniwalaan.

Nang mahanda niya ang medium na plastic cup, ibinuhos niya na ang chocolate milk sa maingat na paraan.

Hindi ko alam kung bakit pinagdududahan ko ba 'tong matandang 'to pero napakabilis niyang kumilos na parang ilang taon na niya itong ginagawa. Hindi likas sa mga matatanda na kagaya niya. Kahit na panginginig sa kamay ay wala sa kaniya.

Sa pagkuha niya ng ice, natabig niya ang isang container. Nahulog ito sa harapan ko.

"Hijo, pakikuha naman," inutusan pa niya . . . ako?

"Ba't hindi mo kunin?" Utos ko sa kaniya pabalik. "Sinadya mo naman yung tabigin."

"Aksidente yun, pasensya na."

Yumuko na lang ako at kinuha ito ng mabilisan. Pagkabalik ng tindig ko ay nakahanda na ang aking chocolate drink, may ice at straw nang nakalagay.

Pero bakit . . .

Ganito?

Kunot-kilay kong kinuha ang hugis maliliit na mga latak sa ibabaw ng ice na bigong makapunta sa inumin.

Malalambot ang mga ito.

Mga mata ko lang ang iginalaw ko ng balingin ang tindero. Napagalaw ang kaniyang mukha, nakatingin na siya sa ibang direksyon.

Alam kong dito siya nakatingin kanina. Akala ba niyang 'di ko napapansin?

Hindi ko magawang kunin at inumin ito kapag ang may pagdududa sa aking instinto.

Sa halip ay itinulak ko nang marahan ang plastic cup palapit sa tindero. Tiningnan ako ng tindero, halatang walang ideya kung bakit ko ito ginawa. "Manong, pwedeng unahan mo sa pag-inom? Baka kasi . . ." Mas lalo pang nangunot ang kaniyang noo sa sunod kong sinabi, ". . . may lason?"

"A-Anong ibig mong sabihin, hijo?" Mapait ang kaniyang pagngiti. "Illegal naman ang paglalason. Lalong-lalo nang hindi ito pinahihintulutan ng Sta. Lucia sa mga tinderong kagaya ko."

Inihalukipkip ko ang aking mga bisig sa harap. "O, sige. Inumin mo na. Illegal naman pala, e." Inilapit ko pa nang todo ang plastic cup sa kaniya.

"Binili mo kasi 'to---"

Evanescence Of DAFLACA SquadWhere stories live. Discover now