Kabanata 10: Balintunang Simpatya

15 11 0
                                    

"Pwedeng... makitira sa inyo?"

My favor came out of the blue. I thought to myself earlier that this will be my best shot. Unang mawawala si Mckenny at hindi rin ako makakapunta sa minulatan kong abandonadong building because I'm sure may mag-aabang. If Ken and I live in the same place, it would be easier for me to guard him.

"Sure, no problem." His response was not what I expected. He simply agreed casually without hesitation. "But hindi ako nakakasigurong papayag si papa within this week kasi may mga kamag-anak pa kasing nakikitira rin sa amin."

After the moment he paused, he immediately added, "But 'wag kang mag-alala, ngayong Sabado o Linggo, aalis na rin 'yon sila." His attention turned to the squad. "Guys, baka may pwedeng kumupkop kay Wil, kahit dalawang gabi lang---ngayong araw at bukas."

Ibinaba ni Christian ang kutsara at nagsalita, "Welcome na welcome naman si Wil sa bahay namin pero may lakad kasi kami ng jowa ko after class, eh. Hindi ko siya maasikaso."

"Cy," pagtawag ni Ken kay Vincent na pokus sa iniinom. He haven't seem to hear him. "Vincent," ulit niya. "Baka pwede namang---"

"At sino na naman 'tong palamunin ang dinala mo sa bahay? Sigurado akong ganito ang sasabihin ng nanay ko."

They were petrified by Vincent's sudden mimicry. Naiintindihan ko naman ito dahil naghihirap din sila sa buhay at makikisali pa ako.

It would also be uncomfortable for these 4 girls if a boy live temporarily in their respective houses. I then remembered the money I brought with me. I took out my wallet. Isang 1000, tatlong 500, isang 100, at may mga barya.

Napag-isip-isipan kong magrenta na lang sa mga apartamento o hotel. I am also sure that renting during these 90's are much cheaper. Not to mention na hindi ako nakakaramdam ng gutom at uhaw. So, I should not worry minding my daily necessities.

Buo na akong loob sa magiging desisyon ko nang may nagsalita.

"Okay lang na pansamantalang manirahan si Wil sa'min. 2 days and 2 nights lang, 'di ba?"

A voice, directly in front of me. It's Rose.

"HUH?!" Christine bursted. "As if maaalagaan mo siya nang maayos, ngart."

"'Di ba naghahanap lang naman siya ng pansamantalang tirahan? Hindi naman ospital para maging nurse niya."

"Sa bahay ko na lang, Wil." Pagsindot niya sa'kin. "Kahit subuan pa kita ng kanin."

"Tumahimik ka nga, ngart. Hindi nga pumayag 'yong nanay mo no'ng nagbalak pumunta sa bahay niyo yung ex mo."

"Ngart! Ang ingay mo!"

"Thank you." In happiness, I held her hand, which was resting on top of the table, covering it in between of my warm palms. "I am willing to pay for food and lodging."

"Naku, kahit 'wag na. Dalawang araw lang naman, eh." Kinuha niya ang kaniyang kamay at ginamit sa pag-ikot-ikot ng isang makulot na hibla ng kaniyang buhok. "Pero sa isang kondisyon."

"What is it?"

Nagsitinginan pa siya sa kapwa miyembro ng squad bago tuluyang mapunta ang nasisiyahang tingin sa'kin. "Sasali ka sa squad."

ORAS na ng uwian. I finally gave up my constant rejection of Rose's one condition, accepting it after her 4 tries. Una sa canteen, dalawa sa gitna ng klase, panghuli ngayong uwian. With me, it'll be DAFLACAH squad, anila pa. Tatlo na lang kaming magkasama ngayon. I'm walking in between Vincent and Rose. Christine should have been here if she wasn't stopped by a couple of students kaya nauna na kami. We didn't take the front gate since I told them that that man will be waiting for me again. We took the parking lot exit of school. Ikalawang gate ito na nasa likuran ng paaralan. Mapupunan lang naman nang mailang lakad para sa paliko-likong daanan kung dito banda lalabas.

Evanescence Of DAFLACA SquadWhere stories live. Discover now