Kabanata 13: Tagu-taguan

17 11 0
                                    

Mckenny's POV

SUMAPIT na ang kagabihan. Hindi pa rin nagbabago ang pabugso-bugso at mainit na hangin sa tabing-dagat. Ang pagbabagong aking nasaksihan na katanggap-tanggap ay ang pagbabagong asal lang ni Christian kaninang hapon. Hindi ko alam kung ano bang mahika ang ginamit ni Jes kanina. Basta'y bumalik na lang si Chan sa bahay na maligayang-maligaya. Masasabi kong mas maligaya pa kaysa sa Christian na nakilala ko noon.

Sinubukan kong kumbinsihin si Jes kanina kung ano na lamang ang dahilan ng labis na kalumbayan ni Chan kanina. Ayaw niya sana itong sabihin pero walang sandali ay nakumbinsi ko rin. Nabalitaan kong nakipaghiwalay ang GF nito sa kaniya. Haaay... Love quarrels... Love quarrels... Heto na naman tayo sa usapang pag-ibig na pansamantala lang.

Pansamantala nga lang ba talaga ang lahat ng pag-ibig?

Kahit itong nararamdaman ko ngayon?

Sa t'wing minamasdan ko ang kaniyang mga mata. Ang talinis niyang mga tingin ay nakakahalina. Nakakapangilabot ang kaniyang dating ngunit nakakagaling ng sugat. Hindi na ako magtataka kung ba't gumaling agad ang pusong sugatan ni Chan.

Sa maingay naming pagtatawanan sa gitna nitong gabi, dito sa tabing-dagat, nagbungkal kami ng maliit na hukay para sa isinigawa naming bonfire. Nilagyan namin ito ng mga kahoy na nagsilbing pampaningas. Nang masindihan, sumasayaw ang apoy sa aming mga mata, nagbibigay liwanag pa sa aming mga ngiti. Pabilog na pinalibutan namin ang bonfire habang naglalaro.

"Tinatawag ko kayong mga... NAKASALAMIN!" Sigaw ni Tine sa gitna nang siya ang nataya.

Parehong tumayo sina Jes, Wil, at Chan. Nagsuot pa kasi si Jes na sunglasses kaya nadamay tuloy. Matulin ang takbo ni Tine sa puwesto ni Chan habang si Wil ay nakauna na sa puwesto ni Jes.

Malayo talaga ang niliparan ng utak ko no'ng nagsimulang ilahad ni Tine ang mekaniks ng laro. Kaya ngayon ay litong-lito ako. Ang naalala ko lang ay ang taya sa laro ay tatayo sa gitna, pumiga ng kalamansi sa dila, pagkatapos ay mag-iisip ng deskripsyon at magtatawag ng mga tao.

"Chan, bawal ka umupo sa katabi mong puwesto," paalala ni Tine nang naupo ang lalaki sa dating puwesto ni Wil.

"Ay, bawal ba? So... Ako ang taya?"

"Yez!"

Natatawang tumayo si Chan habang si Jes ang pumalit sa puwesto niya.

Ahh... So, ayun pala ang hindi ko naintindihan. Nararapat na ang matatawag ay mag-iba ng puwesto sa pag-upo (bawal umupo sa mga katabing puwesto). Anim lamang ang puwesto at ang hindi makakaupo ay siyang bagong taya.

"Tinatawag ko kayong mga... mahilig sa kamera!"

Lumingon ang lahat sa katabi kong si Frances na biguang tumayo sa puwesto. Iba rin itong stratehiya ni Chan. Pumipili siya ng deskripsyon na sa iisang tao lang malalaan.

Pumikit na si Frances sa dahan-dahang pagsubo niya sa kalahating hiwa ng kalamansi. Nagsitawanan na lamang kami nang napangiwi siya. "Aaah! Ang asim!" Sigaw niya, sabay takip ng kaniyang kamay sa bibig.

"Go, Frances! Sa'n yung kamera mo? Picturan ka namin, our cutie princess~" Nagbiro pa si Chan kaya napanguso ang babae.

"Ahh, so ganyanan pala, ha?"

"Huy, anong pinaplano mo, Rea?"

"Chan kasi. HA HA HA."

"Grabe kayo sa'kin."

"Tinatawag ko kayong mga . . ." Tiningnan pa niya sa mata si Chan bago nagpatuloy, "nakaranas magjowa."

Agad na tumayo si Chan sa tabi ko na halatang pinaghahandaan na siya ang pupuntiryahin ni Frances. Hindi na rin nakakapanibago na tumayo si Tine. Mas nagulat na lang ako kung saan naupo si Chan---sa puwesto ni Wil marahil tumayo rin ito. Natira itong mag-isa sa gitna at todo ang katanungan ni Tine.

Evanescence Of DAFLACA SquadWhere stories live. Discover now