Kabanata 1: Detective Hidalgo

38 23 69
                                    

"HOW ABOUT reincarnation, Wil? Naniniwala ka ba?"

"Nope." Bumuga ako ng usok na nagmula sa sigarilyong hawak ko. "Mas naniniwala pa ako sa multo kaysa d'yan."

"Then how would you explain this little boy in social media?"

Hinarap niya ang cellphone sa aking mukha. Napapikit naman ako. Maybe naka 75% brightness ng phone niya. Sobrang liwanag.

Iginiya ko ang kaniyang kamay upang mapaalis 'tong cellphone sa pagmumukha ko.

"Just tell me the context."

"Well, this little boy claimed that he was once the person who jumped off from the building during the 9 11 incident."

Ibinaba ko ang aking mga binti na mula sa pagkakapatong sa mesa. Inikot ko rin ang swivel chair ko para harapin siya.

"Delusion," tugon ko. "It can be..." I paused, humahanap ng tamang salita na makadugtong sa aking iniisip. "Hmn... Social media exposure."

"He's only 3 years old at that time, Wil. You think ganoon na siya katalino para mapasok lahat ng impormasyon sa kokote niya?"

"So? Are you underestimating kids these days?"

Napaisip siya. "Gen Z na pala tayo ngayon."

"Yes exactly, and no. Generation Alpha na tayo ngayon. We're currently in the generation where kids' mentality makes sense more than adult peeps."

"But still, reincarnation do exists."

"Religiously? Sure. Scientifically? Pathetic." Inayos ko ang aking pagkakaupo, mga binti'y salakat. "Wild imaginations, manipulation vulnerability, and knowledge adaptation. That's kids for you."

"Fine, you win again," aniya, tonong biguan. I can't remember a time na nanalo siya sa mga debatable philosophical topics niya. Mabilis din kasi siya sumuko kahit pa may mga butas ang argumento ko.

His name is Marky Lucas Conception. He's 45 years old, chubby, walang asawa, and I guess I can call him my frenemy. Magkaibigan sa buhay, magkaaway sa usaping debate. Halos lahat ng mga paksang argumento ay magkaiba kami ng mga panig.

We're classmates back in college. Hindi kami same course, nagkataon lang na same subjects and time ang aming schedule, at least that was what he told me. To be honest, I also can't remember pa'no kami nagkaibigan. Basta naging kaibigan nalang kami isang araw.

Madalas pumunta si Marky dito sa office para lang magpalipas ng oras. Malapit lang kasi ang mall na pinagtatrabahuan niya dito at tsaka malayo ang bahay nila. Wala siyang magawa kundi maagang umalis sa pamamahay (iwas traffic) at maghintay ng mahigit-kumulang isang oras bago mag-open ang mall.

Tahimik siya. Nag-iisip na naman ng panibagong topic. While I'm here, buga rito, buga roon ang usok sa bibig. Good thing, Marky didn't mind these smokes.

"Time travel. Naniniwala ka ba---NUNG BATA KA, OKAY? Hindi ngayon."

Napatawa ako sa kaniya. Inemphasize pa talaga sa pagkabata ko.

"I used to believe that. But now---"

"Okay, stick to your childhood tayo." Pagputol niya sa akin. "Do you know that there's this concept that it's okay na mag-travel sa future upang malaman ang kahihinatnan ng mundo at upang maging mindful sa actions natin in the present." His tone is full of mystery. Para bang naglalahad ng kuwentong-kababalaghan. "However, kung magtatravel ka sa past, kailangang hindi mo pakikialaman ang mga nangyari para lang mangyari ang gusto mong mangyari sa present. Gets mo?"

"That's lame. What's the purpose in traveling back in the past? To observe lang?"

"Correct. That's it. Nangyari na kasi 'yon. Why bother altering the timeline? On the other hand, kahit anong alter mo sa future, mangyayari pa lang yun, e. Sa madaling salita, HINDI pa nangyari." Tumayo siya at kumuha ng scratch paper sa table ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Napakadeterminado talaga niya sa mga ganitong bagay. No wonder why kung bakit valedictorian 'to nung highschool days niya. He said it himself.

Evanescence Of DAFLACA SquadWhere stories live. Discover now