Kabanata 26: Peligro de Sikreto

8 5 0
                                    

Christine's POV

"W-Wil...? May gusto akong ipagtapat sa'yo..."

"Great timing. I was also looking for you . . . Christine." Direkta niya ako na tiningnan sa mata.

Alam kong galit siya sa'kin. Matapos ko siyang harangan nung isang araw dahil lamang sa pinakawalang kwentang rason na naisip ko.

Ngayon... wala na akong malalapitan pa. Wala na akong mukhang maipapakita sa mga klase ko, lalong-lalo na sa squad namin.

Hinihintay ko na may taong lalapit at makakakilala sa 'kin dito.

Sa 'di mabilang na mga kakilala ko, siya pa ang sinserong lumapit---si Wil. Puwera na lamang yung manliligaw ko kanina.

Siya... si Wil.

Siya na lang ang nag-iisang pag-asa ko ngayon.

"Wil... Kasalanan ko... Kasalanan ko kung bakit---" Walang pasabi na tinangay niya ang pulsuhan ko. Nagpakaladkad na lang ako sa kaniya habang bistang-bista ang angkin niyang kagwapuhan. Tulala ako sa gilid ng kaniyang mukha at litaw na litaw ang katangusan ng kaniyang ilong at makinis nitong balat. Nagdagdag pa sa kagwapuhan nito ay ang kaniyang mukha na sinangkapan ng kaseryosohan at pag-aalala. May nakita rin akong kapani-panibago kay Wil. Iyon ay ang dilaw na laso na nakatali sa pulsuhan din niya.

May ibig sabihin ba sa lasong 'to?

Hindi! Wala akong oras sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na 'yan.

Kailangan kong masabi lahat kay Wil. Baka mayroong pag-asa pa ma mabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon kung magsasalita ako.

Kaso wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Nang matawid kasi namin ang kalsada mula sa Sta. Lucia, pumarito kami sa isang luma at... abandonanong gusali.

Madilim ang lugar at marami pang mga insekto na pinaglalaruan ang aking tingin.

Nakaka...

NAKAKADIRI!

Gusto kong sabihin kay Wil kung anong balak niya sa'kin pero hindi ko magawa.
Kung pati siya ay may binibitbit na samang loob sa akin at nagbabalak na sa'kin ng masama, hindi ko na siya masisisi.

Kasalanan ko naman din ang lahat ng ito.

Walang mamamatay...

...kung hindi dahil sa'kin.

Hindi pa rin siya bumibitaw hanggang sa pagkarating namin sa ikalawang palapag. Naguguluhan lang ako dahil may nag-iisang pinto rito sa building at nang mabuksan...

Isang silid---silid na moderno ang dating---ang nakita ko. May mga gamit pa na halatadong mamahalin. Sa bintana, nakikita ko ang harapan ng Sta. Lucia. Maganda siguro manirahan dito dahil kalsada lang ang distansya sa tinitirhan at paaralang papasukan.

Bumitaw na siya sa'kin. Nakatayo ako sa gitna at tulala pa ring pinagmasdan ang malaking espasyo.

Parang master's bedroom 'to, ah? Pa'no 'to naitayo sa loob ng maruming lugar kagaya ng abandonadong gusali na 'to?

"Wil, nasaan tayo? Ba't malinis ang silid dito kumpara sa gusali? Dito ka ba nakatira---"

"You will speak, only if I ask you to." Mabigat ang boses ni Wil nang magsalita. Napaatras agad ang aking dila mula sa sunod-sunod na mga tanong ko. "I should be the one asking you questions, not YOU."

"Sorry."

Biglang napatuwid ang aking pagkakatayo nang tingnan niya ako nang matindi, linya na ang kaniyang mga kilay. Hays... gwapo pa rin naman kahat ganiyan siya.

Evanescence Of DAFLACA SquadWhere stories live. Discover now