"Olivia!"
Patakbong lumapit saakin si Maevie, kasama nya ang pinsan ko na asawa nya, si Austin at ang Bunso nilang anak. Sobrang tagal na nung huli naming pagkikita, mga siguro isang buwan? Matagal na saamin ang isang buwan dahil simula pagkabata ay araw araw kaming nag kikita.
"Nico, mag mano ka sa tita at tito mo..." ginawa naman nya ang utos ko, ganon din saamin ang mga anak ni Maevie.
Katulad ng dati naming ginagawa ay mag kasama kaming nag pi-picnic sa parke, sa paboritong puntahan ni Brent at Bryle. Napangiti ako ng mapait, nakakamiss mag suway ng batang makulit na puro takbo ang ginagawa kahit kakatapos palang kumain.
Habang naka upo kami ni Maevie sa mat, pareho kaming nakatingin sa mga pamilya namin na ngayun ay nasa gitna at nag lalaro ng bola.
"ang sarap nilang panoorin."
"Oo, tama ka. Kung siguro hindi ko pinabayaan ang sarili ko edi sana apat ng bata sana ang nag lalaro ngayun...."
"Ano kaba, hanggang ngayun sarili mo parin sinisisi mo?"
"Hindi sa ganon, sadyang naiisip ko lang bigla."
Napabuntong hininga kami parehas. Medyo awkward parin saamin ni Tyrone pero buti nalang at marunong makaintindi si Tyrone at iniintindi nya ako sa panahong si Bryle at mga anak namin ang nasa isip ko. Mahal ako ni Tyrone at ganon din ako sakanya kaya nga ako pumayag magpakasal sakanya.
"Mama tita Olivia! sali po kayo!" tawag saamin ng bunsong anak nila Maevie.
"tara Olivia!" tumayo si Maevie at inilahad ang kamay nya saakin.
Sa kabila ng pag hihirap na dinanas ko simula nung bata pa ako, sa kabila ng pag tira ko sa madilim kong mundo sa hinaba haba ng panahon, sa kabila sa lungkot, sakit, pagiging mag isa. Eto ako ngayon, may bagong pamilya, bagong mundo, bagong buhay masaya at malaya. Kahit na huli na ang lahat para saakin, may tao paring lumapit at tumulong saakin. Sa kabila ng lahat ng lungkot at pagkakalunod ko sa sakit, dumating si Tyrone para pasiyahin at i-angat ako sa lunod.
Kahit naging miserable ang nakaraan ko, may tumanggap parin saakin ng buo. Sa kabila ng pag papabaya ko sa sarili ko, may mga taong dumating na inalagaan at minahal ako. Naging sarado ang puso ko sa mahabang panahon, nabalutan ng makapal at malamig na yelo ang puso ko sa loob ng mahabang panahon. Pero dumating parin si Tyrone para buksan ang puso't isip ko, dumating si Tyrone para tunawin ang yelong naka balot sa puso ko.
Ngayong masaya at kontento na ako, hindi ko na hahayaang mawala ang lahat ng ito ulit saakin.
I'm Olivia Charlotte Acozta, this is the story of my life.
YOU ARE READING
My Worst Nightmare
General FictionThis is a story about a woman who experienced all the hardship in her whole life, she got abused by her father, stress because of her mother, and trauma because of her own family. She's a loner in school, but when she's already in her high school sh...