8 years passed...
"Mommy! kuya Austin's ball hit me!"
"aksidente lang po yun..."
"oh, it's just an accident baby."
"say sorry." it's Brent, our 6 years old son he's turning 7 this coming October 18.
Nandito kami ngayun sa labas ng bahay, kasama namin sila Maevie at ang anak nya. Sabi ni kuya Kye ay pupunta rin sila dito mamaya pagkauwi ni Keshi galing sa practice ng banda nila. Grade 10 na si Keshi samantalang si Kesha naman ay Grade 9 na. Ang bilis ng panahon nasa Grade 4 na si Austin ngayun si Brent naman ay Grade 2.
Nagka asawa narin si Maevie at kasal na sila 5 years ago narin, kami naman ni Bryle ay nagpakasal narin simula nung nalaman naming buntis ako. Ang saya may sarili na akong pamilya, hinding hindi naranasan ni Brent ang naranasan kong paghihirap dati. Habang pinapanood ko sila Brent at Austin na naglalaro ng basketball biglang tumabi saakin si Maevie.
"Hi Mrs. Dimson..." she chuckled.
"tss, wala ng Francisco sa pangalan ko, tapos sayo meron. Luge." We both laugh. Yes may Francisco na ang pangalan ni Maevie dahil isa sa mga pinsan ko ang napangasawa nya. 7 months narin syang buntis sa soon to be baby nila.
"asan na pala si Kuya?" i asked her.
"nasa kusina." simpleng sagot nya.
Sandali lang ay dumating na sila kuya Kye at sakto namang kalalabas lang ng asawa ni Maevie sa kusina.
"bro, long time no see ah. Tatay kana."
"buti nga may pumatol pa." pag bibiro nito.
Pagkarating ni Bryle ay kumain narin kami, hindi mawawala ang asaran kaya napaka ingay namin. Pero ang pinaka tinutukan nila ay kami ni Bryle.
"dati ang pagpapakilala saamin ni Olivia kay Bryle e kuya nya. Tapos ngayun may anak na sila." si kuya Maynard.
"oo tandang tanda ko pa yun lalo na tuwing mag kasama sila nung Grade 7 pa sila."
"kua Kye, isang taon ang tanda saakin ni Bryle kaya Grade 8 na sya that time." paliwanag ko.
"basta!"
It's June 1 malapit na ang birthday ko kaya isiningit na namin ang plano para sa birthday ko. Gusto nilang mag swimming nalang kami sa Boracay kaya pumayag nalang ako dahil masaya naman ang huli naming punta sa Boracay. This time mas marami na kami dahil kasama ang iba ko pang pinsan, halos lahat kami ay may sariling nang pamilya. Mapapalaki pa ang gastos ko.
Magka birthday kami nung anak ni ate Meecah, yes may anak na sila. At syempre ninang ako, halos kami kami lang din naman ang nakukuhang ninang ng mga anak namin. Gets nyo? Basta.
[Manghihingi kami ng pangbirthday ng inaanak nyo mag handa na kayo! Hindi na kami natanggap ng 100 pesos!] si Hampri, mag ka video call kami buhat buhat nya yung 3 years old baby boy nila. Sa New York na nga talaga sila tumira.
"Che! di naman ikaw yung inaanak namin masyado kang disesyon!" kontra ni Maevie.
[Nagdi-disesyon ako para yumaman kami ano kaba?] we all laughed kulit talaga neto.
Nang mag gabi na ay nag si-uwi narin sila dahil may mga kasama silang bata, lalo na si Maevie dahil buntis sya. Habang naglilinis ako ng sala ay napansin kong nakatulog na si Brent sa couch habang may hawak na papel at lapis. May naka sulat sa papel kaya binasa ko iyon,
'I'm Brent Oliver A. Dimson, son of Olivia Charlotte A. Dimson and Bryle William Dimson. I'm turning 7 years old, when i grow up i want to be an Architect i want to like mommy who's good at singing, dancing, and drawing. I also want to be as good as daddy in mathematics. I want to be successful like them.'
YOU ARE READING
My Worst Nightmare
Fiksi UmumThis is a story about a woman who experienced all the hardship in her whole life, she got abused by her father, stress because of her mother, and trauma because of her own family. She's a loner in school, but when she's already in her high school sh...