"Mommy... Mommy..." tawag sa akin ng isang maliit na tinig.
Nagmulat ako ng mata... ^___^
Napangiti na lang ako... Ang sarap gumising sa umaga kapag ganito kagwapo ang mamumulatan mo.
"Yehey! Gising na si Mommy.. Goodmorning! Di ba sabi mo magsisimba tayo today because it is Sunday!" sabi ng gwapong mukha habang tumatalon pa sya sa kama ko.
"Ofcourse baby.. Sige na, punta ka na kay yaya para makapag prepare ka at magprepare na rin si Mommy, ok?" sabi ko sabay halik sa malambot nyang pisngi.
At dali-dali na nga syang bumaba sa kama at lumabas ng pinto.
Nakangiti pa rin ako. He is so sweet. I'm so lucky to have him. Hindi na talaga kelangan ng lovelife kapag my ganyang lalaki naman na magpapangiti sayo araw-araw.. =)
It's been 5 years ago.. Fivena taong nakakaraan simula nung gabing umalis ako sa bahay na yun.. sa bahay ni... Erase Lily! Huwag na huwag mo na ulit iisipin yun. Ang pag-alis sa presensya nya ang pinakamaganda mong naging desisyon sa buhay.
Rain. My baby's name is Rain. He's 4 years old. Pero parang hindi kasi ang dami nya na tanong minsan.. Minsan tinanong nya na rin kung bakit Rain ang name nya.. ^___^
Well, I named him Rain because it was raining when I left Mr. Alvarez' condo.. I think I was blessed that time.
Hinding hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun.. Basta ang gusto ko lang lumayo... Yung sobrang layo sa kanya... At eto nga.. kakalayo namin.. Sa Palawan kame na padpad ni Rain.. ~___~
This place is a paradise.. Nagsimula kameng mabuhay ni Rain mag-isa. Wala kame kakilala dito.. Pero kinaya ko.. Ginawa ko ang lahat para lang mabuhay ko sya ng maayos.
I decided to put up a business.. It was a small souveneir shop. At yun nga.. Hanggang ngayon.. That's our business.. Maraming turista ang bumibisita sa Palawan kaya yun ang ginawa kong business plus I love arts naman talaga that's why Architecture ang kinuha kong course when I was in college.. =)
Mukhang maayos naman kame ni Rain. I feel everyday.. Minsan napapasimangot na lang ako kapag naalala ko sya.. Si... Si Mr. Alvarez. Hawig na hawig nya si Rain lalo kapag nangiti.. Ang Cute! ^____^
Alam nyo naman sa killer smile ni... ni Mr. Alvarez ako nainlove.. Hahahaha. Ang landi! =)
Pero I think.. I moved on. I think.. I let him go already..
Hindi ko tinago kay Rain ang totoo, when the first time he asked me about who is his dad... I explained to him that we need to keep distance from his Daddy because he wants to be with somebody else, I explained to Rain that he should not hate his Daddy because, his Daddy loves him and someday they will meet.. =)
Kapag ready na si Rain, hindi ko sya ipagdadamot kay... kay... Mr. Alvarez.
Ano ba yan.. Ang lalim naman ng iniisip ko. I should get ready.. It's Sunday! It is Family Day! =)
======================================================================
Kakatapos lang ng misa... We are about to exit the church pero pinigilan ako ni Rain.
"Mommy, can I pray one more thing?" tanong sa akin ni Rain.
"Sure baby.. Go ahead. I'll pray with you." sabi ko sa kanya sabay lumuhod kameng dalawa.
Ang cute ni Rain, ang liit liit nya pa at kapag lumuhod sya.. Hindi na sya makikita.. Napapangiti na lang ako. =)
"Papa Jesus, please take care of my Daddy too. Mommy said that he is far from us. I hope we can see each other soon. Amen." dasal ni Rain.
Bago sya matapos magdasal.. Pinunasan ko ang mga luhang naguunahan mula sa aking mga mata. Rain, I'm sorry baby.. I know you want to see your Dad, sabi ko sa sarili ko habang niyakap ako ni Rain.
"Mommy, why are you crying? I already prayed for you earlier. Kaya si Daddy naman ngayon." cute na sabi ni Rain.
"Naku, baby... Mommy is fine. I'm just happy because you pray really good now." sabi ko sa kanya sabay ngiti.
^____^ - ngumiti din si Rain. Umuwi na kame pero iniisip ko pa rin ang mga dasal nya kanina..
==============================================
Monday..
Everyone is very busy sa shop. May 2 akong pinagkakatiwalaan na empleyado sa shop ko. Si Mang Ronnie at Nanay Sabel. Mag-asawa sila na nakilala ko dito sa Palawan. Si Mang Ronnie ang driver o kaya nagpipick up ng mga deliveries at si Nanay Sabel naman ang kasama ko mismo sa shop... =)
Nasa school si Rain as of now. But any minute from now.. Uuwi na yun kasi half day lang naman ang mga Nursery.
"Nay Sabel, marami pa ba tayong stock na ganitong klaseng key chain? Mabenta kasi ito eh.." tanong ko kay Nanay Sabel habang pinapakita yung star fish na key chain.
"Ay saglit anak.. Titignan ko sa stock room ha. May ipapatingin ka pa ba?" sabi ni Nanay.
"Wala na po. Pasensya na po at ito yun nakalimutan kong icheck kanina." sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Naku, para yun lang.. O sya saglit lang at titignan ko na doon ha." sabi ni Nanay Sabel sabay alis.
Malapit lang naman yung stock room kaya medyo kampante din ako na hindi mapapagod agad si Nanay.. =)
Nakatungo ako habang nagccheck ng mga bagong item na ididisplay naminsa shop ng may isang babae na pumasok at nagtanong..
"Ahmmmmmm.. Do you have shell lamp shade here?" tanong nung babae.
"Yes we do have Ma'am.." sabi ko sabay angat ng ulo ko.. Pero nagulat ako sa nakitang kaharap ko... O____O
Vienna?
Nakita ko din nagulat sya.. "I think I know you..." sabi nya habang papalapit sa akin.
Nag-iwas agad ako ng tingin.. "Naku hindi ko po kayo kilala.. At wala po pala kameng shell lamp shade dito. Pwede na po kayo umalis." sabi ko habang umaalis ako sa harap nya.
"Excuse me? I think you are being rude." sabi ni Vienna.
"Sabi ko wala kame ng hanap nyo at pwede na kayo umalis." sabi ko habang nakatalikod na sa kanya.
"Whatever. Stupid bitch. Your shop is ugly by the way." sabi ni Vienna sabay umalis na sya.
Bitch na kung bitch... Ugly na kung ugly.. pero buti umalis na sya.. Nakahinga ako ng maluwag.
Andito si Vienna sa Palawan.. Kasama nya ba si... si Mr. Alvarez.?
OMG! Alam kong maliit ang mundo and sooner or later magkikita din kame.. Pero I'm not ready as of now..
Hindi ngayon.. Hindi ko alam kung kelan.. Lalong hindi ko alam kung gusto ko pa syang makita.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.. Huwag ngayon please.. Tadhana wag ka naman masyado mapaglaro... =(
"Marcus..." nasabi ko na lang ng hindi ko namamalayan...
Napapikit na lang ako habang inaalala ang mukha nya... Kung pwede lang alisin ang alaala mo sa utak ko, ginawa ko na.. Pero hindi ko kaya kasi patuloy kang pinapaalala ng puso ko..
====================================
Naramdaman nyo na ba yung tipong sobrang gusto nyong makalimot.. Yung tipong sana magka amnesia na lang ako malimutan lang kita.. Well, yun ang nararamdaman ni Lily.. =(
Sino kayang kasama ni Vienna sa Palawan?
Gusto nyo na bang magkita si Lily at Marcus..... at Rain??? Please comment your guess... =)
XOXO,
_Duday

BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove
Ficción GeneralDo you plan on when, where, and who will you fall in love with? Lily and Marcus never expected to fall in love for each other, pero dahil makulit si LOVE, maiinlove sila sa isa't-isa. Pero oooopppppssss.. in denial pa rin ang dalawa. Let's join Mar...