Chapter 3 --- the DREAM

230 2 0
                                    

I make sure na ready ako sa group meeting namin. Nauna ng umalis si Cheena nung sinabi kong overtime ako dahil nga sa meeting for a certain project. Inulit nya pang iremind sa akin ang pagreto ko sa kanya kay Sir Marcus bago sya umalis kahit na sinabi ko sa kanya na hinding hindi ako makikipag close dun.

15 minutes na ang lumipas simula ng dumating ako sa conference room, pero wala pa rin dumadating. Ang aga ko naman, excited ka Lily? Napabuntong hininga ako, at unti unting napapikit ang mata sa antok dahil sa paghihintay...

"Mahal mo ba ko Lily?" tanong ni John Lloyd sa akin.

"Oo, mahal na mahal kita! Wala ng iba! Pinanood ko lahat ng teleserye at pelikula mo, at wala na kong pinangarap kundi ikaw lang." ang sagot ko.

"Eh sino si Marcus sa buhay mo? Nakita ko nag uusap kayo kanina." galit nyang sabi, habang unti-unti syang naglalakad papalayo.

"Wag mo syang iisipin John Lloyd, boss ko lang yun na sobrang yabang. Wag na wag mo kong iiwan... Waaaaagggggggg!" sigaw ko pero bigla akong nagising at nakitang may 3 lalaking nakatingin sa akin habang sumisigaw ako. Take note, isa dito si Sir Marcus.

"Kanina pa ba kayo?" nahihiyang tanong ko. "Ang tagal nyo kasi nakatulog ako, bakit hindi nyo ko ginising?"

"Hahaha. Lily ok lang yun. Lahat naman nanaginip pag tulog" sabi ni Peter, isa sa mga engineers din sa company.

Tumikhim na si Sir Marcus, "Let's start the meeting, Ms. Vasquez do you have the blue prints for the SLEX project"

"Ah yes Sir, here are the blue prints" at isa isa ko ng linatag ang mga blue prints sa table.

Mga 2 hours nagtagal ung meeting. Naiwanan ako sa conference room, inaayos ko pa kasi ung mga blue prints. Nagmamadali akong tinapos yun para makauwi na, nakakapagod ung meeting kasi dami questions ni Marcus. The two guys, Paul and Steve who are part of the project as well, were smiling to me parang sinasabing ikaw na bahala dyan Lily.

Nasa tapat na ko ng pintuan ng elevator to go down, when suddenly my tumabi sa akin para maghintay sa pagbukas ng pinto, It's Marcus, ofcourse my boss who seems very successful sa pagsira ng araw ko.

I'm not talking until the door opens and we enter at the same time, kasya naman kame pero napatunayan kong hindi talaga sya gentleman. Absolutely not my type.

"You dreamed of me earlier with John Lloyd, at mukhang kontrabida ako." he says with this evilish smile. Do not answer Lily, he's good at making fun of people. Ekis ka na talaga sa akin Marcus ka.

"You looked beautiful while sleeping though tulo nga lang laway mo." dagdag pa nya sabay sulyap sa akin na nakangiti pa rin. Napatingin na rin ako sa kanya na nakabuka ang bibig pero walang lumalabas na salita dito dahil sa gulat ko sa narinig.

"Sorry kung naistorbo ka namin kanina, pero yaan mo next time, ikakasal ka na sa panaginip mo." tawa sya ng tawa habang sinasabi yun. At dun na ko napuno at nagsalita.

"Ikaw, kahit boss kita wala kang karapatan na bastusin ako. Oo alam kong hindi ako kasing eelegante ng mga babaeng nakilala mo, pero try to be gentleman naman. Marami nagkakagusto sayo kaya ang yabang mo." halos mangiyak ngiyal kong sambit sabay bumukas ang pintuan ng elevator. Mabilis akong lumabas ng elevator at building. Pumara ako at ng taxi at umuwi na.

HINDI MAKAPANIWALA SI MARCUS SA REAKSYON NI LILY. He did not know na magiging ganun reaksyon ng empleyado nila. He saw that sadness in her eyes kahit my salamin ito sa mata. Alam nya nasaktan nya ito, pero hindi sya hihingi ng tawad dito dahil lamang dun. He is Marcus Alvarez, girls are all after him. And he does not care for one girl who does not like him. If I know pakipot lang yun.

Paglabas nya ng elevator, he went to his car and drive to his condo. Biglang tumunog ang cellphone nya. Nagtext ang mommy nya.

Marcus, your grandapa and I will be coming home next week. I'm so excitec to meet your fiance. Ang lolo mo gusto na magkaapo sa tuhod. Hahaha. Pag usapan na natin ang kasal pagdating namin. We miss you anak. I love you.

Here comes the big problem, every member of his family wants him to get married. Sa dami nya ng ex gf, hindi pa rin nya naimagine na mag aasawa sya. Sa kulit ng lolo nya kakatanong kung kelan sya mag aasawa, he just said na my fiance na sya kahit wala nman. His grandfather is too old para pasamain pa ang loob nito. Bahala na. I have one week to fix this mess. Work muna bago ang sub problems. Nakarating na sya sa condo na un pa rin ang iniisip.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon