"Lily.. Marcus.. Buti andyan na kayo.. Halika na kayo at kumain.." sabi ni Mama habang papasok kame sa dining room.
Handa ng kumain sila Lolo at Mama dun sa dining room pagpasok namin.
"Sorry Ma ngayon lang kame, hindi na kame nakasalo ni Marcus sa breakfast kanina." sabi ko.
At muntikan ng hindi pa makasama ngayong lunch kung hindi ko lang napigilan ang anak nyo.. Ayaw na ko palabasin ng kwarto.. >_<
"Hahahaha.. Ok lang yun Hija. Ano ka ba, ayaw ka na pakawalan ng apo ko eh.." sabi ni Lolo.
"Anong balak nyo gawin pagkatapos kumain?" tanong ni Mama.
"Well, Miguel is coming over.. Baka ipasyal namin si Lily sa ibang parte ng hacienda.." sabi ni Marcus habang kumakain.
"Hindi ba kayo mag-oout town ni Lily? I mean to have your honeymoon?" tanong ni Mama.
"Maybe next time.. We need to go back to Manila this friday.. There are too many projects to make." sabi ni Marcus na hindi nakatingin sa akin..
Bakit ganun? Parang ang lamig ng pakikitungo nya ngayon? Eh kanina lang sa kwarto he's so passionate.. ^____^
"Marcus naman.. Lily ok lang ba sayo yun?" nag aalalang tanong ni Mama.
"Ang apo ko talaga.. sobrang workaholic.. Sana naman hindi ka mawalan ng time para kay Lily." sabi naman ni Lolo.
"Mama.. Lolo... wag kayo mag alala.. Nakilala ko naman po si Marcus ng ganyan.. Masipag talaga tsaka concentrate sa work.. Magkasama naman po kame sa office kaya hindi nya po ako mapapabayaan." I gave them assurance.. Kahit na pagbalik ng Manila hindi ko alam ang mangyayari sa relasyon namin ni Marcus.
"Babalik na kame ni Papa bukas sa US.. Nakaempake na yung mga gamit namin. May check up si Papa sa doctor nya pagbalik dun kaya hindi na kame pwede magtagal dito." paliwanag ni Mama.
"At sana after one year namin dun, pagbalik namin.. May apo na ko sa tuhod." dagdag pa ng lolo ni Marcus.
Napangiti na lang ako.. Gusto ko sana sabihin, hindi ko na po alam ang mangyayari pag-alis nyo.. Hindi ko alam kung "asawa" pa rin ang magiging turing sa akin ni Marcus kapag nasa Manila na ulit kame.
Natapos yung lunch... Andun ako sa harap ng bahay naghihintay kay Marcus..
Ang bagal talaga kumilos ng lalaking yun.... Hmmmmmmm.. >_<
Tapos may biglang umakbay sa akin.. Tumingin muna ako sa kamay nya na nasa balikat ko tapos tumingin ako sa may-ari ng kamay.. MIGUEL???
"Ahmmmmmm.. wag mo nga ako akbayan." sabi ko sa kanya sabay distansya sa kanya.
Ang yabang naman nito.. Hmmmmppppp....
"Waiting for Marcus?" tanong nya.
"Yeah." maikli kong sagot.
"A wife waiting for her husband.? Mahal na mahal mo talaga si Marcus no.. Lucky guy." sabi nya.
"None of your business." sabi ko.
"Hanggang kelan kayo magpapanggap? Hmmmmm.. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon may pumapatol pa sa ganyan." sabi ni Miguel.
Nambwibwisit ba talaga tong lalaking to? Naku... Nakakainis na talaga ha... >_<
"Alam mo Miguel.. Its none of your business... Kung ano meron kame ni Marcus at kung bakit ako pumayag. Oo, aaminin ko.. Mahal ko na si Marcus. At kung hindi man nya ako mahal.. Handa ako masaktan" sabi ko ng tuluy-tuloy...
Nasabi ko yun??? "Mahal ko na si Marcus. At kung hindi man nya ako mahal.. Handa ako masaktan."
O_O
Nakakahiya naman. Parang dramatic actress ah.. Wahahahaha..
Pero eto kasing si Miguel eh, iniinis ako.. Hmp!
"Woah... What a line... Sana nga hindi ka nya saktan.. Kasi mukhang totoo ang nararamdaman mo sa kanya. Pero gusto ko lang sabihin na pagbalik ng Manila.. Andun si Vienna. Andun ang trabaho nya.. Mga bagay na sobrang halaga sa kanya. Sya ba nasabi nya na sa sayo kung anong halaga mo sa kanya?" sabi ni Miguel.
Totoo sya.. Wala naman ako halaga kay Marcus.. Wala naman sya pakialam sa akin...
Yung nangyari kagabi? Siguro kasama sa palabas namin tapos sinamantala nya na yung kahinaan ko... =(
Ang sakit naman... Bakit ngayon ko lang narealieze to? Kelangan pa ba to sabihin ni Miguel?
Akala ko matalino at magaling na ko... Kapag pala pag-ibig ang pinag-usapan ang bobo ko.. >_<
Hindi ko namalayan na unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata..
Hindi ko namalayan bigla akong niyakap ni Miguel...
"Wag ka na umiyak.. Sorry. Please.. Don't cry. Everything will be fine." sabi nya habang nakasubsob ako sa dibdib nya..
Hindi ako umiimik.. Umaagos lang ang mga luha.. Parang may sarili silang mga utak.. TT.TT
Biglang may tumikhim..
Si Marcus!
Binitiwan ako ni Miguel, pero napunasan ko na yung mga luha ko bago ako nag-angat ng mukha.
"Tara na." sabi ni Marcus sabay lakad nya palayo.. Sumunod si Miguel, pero tumingin muna sya sa akin at ngumiti.
Bakit ganun yung mukha ni Marcus? Mukhang galit sya? Dahil nakita nyang nakayap sa akin si Miguel?
Nagseselos sya???? O_O
Impossible... Walang dahilan para magselos sya.. Wala talaga...
"Lily.. Ano ba susunod ka ba o tatayo ka na lang dyan?" sigaw ni Marcus kasi medyo malayo na pala nalalakad nila tapos ako nakatayo pa rin lang.. =_=
"Ayan na! Hintayin nyo ako." sabi ko.
Lakad-takbo ang ginawa ko para makahabol sa dalawang lalaking yun.. Sabi ko hintayin ako.. =_=
Ang bilis pa rin lumakad.. Grrrrrr... >_<
Biglang tumigil lumakad si Miguel, mukhang hihintayin nya ako.. Hayyyy... salamat naman.
"Pagod ka na?" nag aalalang tanong ni Miguel nung naabutan ko na sya at si Marcus ay mga 5 meters ang layo sa amin.
"Naku, ok lang ako.." Ngumuti ako sa kanya. "Thank you sa paghintay."
"Its nothing... Ahmmmmm... Sorry again what i've said earlier.." siryosong sabi ni Miguel.
Hindi ako tatanggi, gwapo si Miguel.. Pero wala ng gwagwapo pa sa asawa ko! ^____^
"Wala yun. Totoo naman lahat ng sinabi mo." sabi ko habang sabay na kameng naglalakad ni Miguel.
"Hey Marcus! Hintayin mo naman ang asawa mo." sabi ni Miguel.
"Naku, malakas yan.. Kaya nya tayo habulin.. Iwanan mo na yan." sabi ni Marcus na hindi man lang talaga lumilingon.. Tuluy-tuloy lang sya sa paglakad.
>_<
Porket alam ni Miguel yung kasunduan namin.. Ganyan na yung pakikitungo nya sa akin.. =(
"Hayaan na mo na sya Miguel.. Padapa sana sya." sabi ko tapos natawa kame parahes ni Miguel.
"Bad girl ka pala ha... Hmmmmm.. So we are friends now?" tanong ni Miguel.
"Oo naman. Friends." sagot ko.. ^___^
Parang gumaan bigla ang pakiramdam ko.. Feeling ko may kakampi na ko.. Thanks Miguel... =)
=========
Do you like to have Marcus' POV
Ayaw ko sana lagyan kasi gusto ko palaisipan sa reader's what does Marcus thinks... =)

BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove
General FictionDo you plan on when, where, and who will you fall in love with? Lily and Marcus never expected to fall in love for each other, pero dahil makulit si LOVE, maiinlove sila sa isa't-isa. Pero oooopppppssss.. in denial pa rin ang dalawa. Let's join Mar...