Chapter 25 --- Dinner Date?

165 5 5
                                    

Marcus is driving the car.. Tahimik lang ako.

4pm sharp nasa condo na sya. Nagpalit lang sya ng damit. At syempre ako ay nagpalit din. >_<

I'm wearing a peach sun dress na hanggang taas ng tuhod ang haba tapos nagsuot ako ng flat sandals. Sabi ni Nanay Delia bagay daw sa akin yun. ^___^

"Sorry nag-undertime ka dahil sa akin. Hinahanap na ba ako sa office?" tanong ko. Ako na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Hinahanap ka na nila dahil sa project." sagot ni Marcus na tutok pa rin sa pag-ddrive.

"Anong sasabihin ko pag bumalik na ko?" tanong ko.

"We will say the truth." sabi ni Marcus na para bang napaka-karaniwag bagay lang.

O_O

"Excuse me? What do you mean we will say the truth?" gulat na gulat kong sagot.

"You hear me babe, we will say the truth. Sooner or later, your tummy will become bigger. Hindi na natin matatago yun. At sinong ituturo mong ama?" tuluy-tuloy nyang sabi sa akin.

"Marcus...." yun lang nasabi ko. =_=

"Just tell me, if you don't want." sabi nya.

Tahimik na naman kame.

Hindi naman sa ayaw ko. Sya kaya ang iniisip ko. Ano na lang sasabihin ng ibang tao? Sa tagal nyang naging single, sa akin lang pala mapupunta. Hindi naman kaya pumanget image nya? Haaayyyyysss... 

Pero siguro ok lang yun, magpa-file naman kame ng annulment eh. Ok Lily.. Kalma ka lang. Alam ni Marcus ang ginagawa nya. Hindi naman sya gagawa ng desisyon na ikakasama nya o ni baby.

Ako? Bahala na.. Ang mahalga si baby.. =)

"Marcus, kelan ako babalik?" tanong ko ulit. Sorry Marcus ang ingay ng asawa mo.. ~____~

"Sa Monday ka na bumalik. We need to make sure that you are 100%. Sa Friday pupunta ulit tayo sa doctor." sabi nya.Bakit sya ganun? Parang alam na alam nya na yung dapat gawin. Naplano mo na ba to Marcus?

"Ok. And... Ahhhhhmmmm.. Payag na kong sabihin natin ang lahat." utal-utal kong sagot.

Ngumiti lang sya. Napansin ko na lang papasok na kame sa gate nung cemetery. Kanina pala dumaan na kame sa isang flower shop para maibigay kanila nanay at tatay.

Sa totoo lang, masaya ako ngayon araw na to.. Feeling ko first date namin ni Marcus. Hahahaha. Sa sementeryo pa.

"Hello po nanay at tatay.." nakangiting sabi ko nung nasa harap na kame ng mga puntod ng magulang ko habang nilalagay yung mga bulaklak. Magkatabi lang kasi sila. Habang si Marcus, ay nakatayo lang at walang imik. "Sorry po ha.. Medyo matagal-tagal ko po kayong hindi nabisita. Dami po kasi ginagawa sa opisina. Alam nyo na.. Napromote na anak nyo.." masayang kinakausap ko yung puntod.

Parang baliw lang. Pano kaya kung sumagot ang mga to?? ~____~

Biglang tumikhim si Marcus. So gusto mo pakilala din kita?? O_O

" Nay.. Tay... Si Marcus nga po pala... Ahmmmm... Boss ko po." sabi ko habang nakaharap sa puntod at nakatalikod kay Marcus.

"Asawa nya po ako." sabi ni Marcus.

O_O

Muntikin na kong ubuhin sa sinabi nya. 

"Nay.. Tay.. Sorry ha, hindi ko nasabi na nagpakasal na po ako. Biglaan po kasi eh. Pero ok naman po ako. Sa totoo nga nyan, buntis na ko." sabi ko pa.

Biglang narinig kong natatawa si Marcus sa likod ko.

>_<

Lumingon ako sa kanya. "Anong nakakatawa? Buntis naman talaga ako ah.." sabi ko.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon