"Hmmmmmmm... Sakit ng ulo ko.. Anong.......oras......na.......ba?" sabi ko habang nag-uunat.
Pagtingin ko sa relo ko, 7:45am???
Oh my gawd??? 15 minutes na lang late na ko!
Wait..
Bakit unfamiliar tong place? Asan ba ko?
Oh sh*t! Nasa office nga pala ako...
Anong gagawin ko? For sure, marami ng tao sa office.. Nakakahiyang lumabas ng hindi man lang ako naka-toothbrush at yung outfit ko... 24 hours na! TT_TT
Nakaupo lang ako sa sofa at nakalagay yung 2 kamay kong sa mukha ko...
Bakit hindi ako nagising sa alarm?
Bakit ang antukin ko?
Maya-maya may mga mahihinang katok akong narinig.. Oh my gawd!!! Sino kaya yan? Baka guard na yan at ichecheck kung bakit lock ang lounge.. Nakakahiya!
I'm biting my nails.. Ayoko nga buksan! Eh pero time check Lily, 10 minutes to 8am na lang.. TT_TT
I'm dead!
"Lily, i know you are still there.. Marcus here." sabi ng kumakatok.
"Marcus?" bakit nya alam na andito pa ko? Tsaka i just promised to myself na hinding na hindi ko na sya lalapitan aside any work related issue..
Work related naman to, kasi male-late na ko!!!
Binuksan ko yung pintuan.. Pero nakayuko ako.. Nahihiya ako eh.. Ambaho ko na!
~___~
"Antukin ka talaga no? Let's go.. Magpalit ka ng damit." sabi nya sabay hawak sa kamay ko at lumakad kame palabas ng office.. Some employees saw us.. Konti lang naman sila.. Thank God!
I am just following his footsteps.. Heto na naman kame walang isang metro ang pagitan sa bawat isa.. Kapag ganyan, hindi ko mapigilan mahalin sya.. But I need to, Aja! kaya ko to!
Hanggang makarating kame sa parking lot kung san andun yung kotse nya.. Pinag-buksan nya ako ng pintuan sa passenger's seat side.
"Hop in. Bilisan mo.. Clock is ticking Lily." sabi nya sa akin.
Sungit ka Marcus! >_<
Hindi ako nagsasalita hanggang nakarating na lang kame sa tapat ng apartment ko.
Lumabas ako ng kotse.. Hindi na ko nagpaalam sa kanya.. Tuluy-tuloy lang ako hanggang makapasok sa loob ng apartment.
Pero napansin kong sumusunod si Marcus sa akin.
"Hindi mo ba ko papatuluyin man lang?" tanong nya habang nasa pintuan.
"Tuloy ka." sagot ko tapos dumiretso ako sa kwarto ko.
Haaaayyyyyyssss... Kung alam mo lang na gustung gusto ko na lumayo sa'yo Marcus.. Pero bigla ka na lang talaga sumusulpot.. Lagi ka na lang dumarating sa hindi ko inaasahang panahon.
Pano kaya nya nalaman na andun pa ko?
Naku, Lily tama na nga pag-iisip at mag-ayos ka na!!!
After 30 minutes, nakapag-ayos na ko... Nakakahiya din kay Marcus at isang malaking abala na ko sa oras nya.
I decided not wear my contact lens anymore, this time i wear my eye glasses..
Back to reality! =)
Paglabas ko ng kwarto, I saw Marcus at the sofa still waiting for me..
Tumayo sya at lumapit sa akin nung makita nya akong tumigil sa harap nya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove
Fiksi UmumDo you plan on when, where, and who will you fall in love with? Lily and Marcus never expected to fall in love for each other, pero dahil makulit si LOVE, maiinlove sila sa isa't-isa. Pero oooopppppssss.. in denial pa rin ang dalawa. Let's join Mar...