Chapter 18 --- Lily and Cheena.. =)

209 3 5
                                    

5 pm...

Uwian na karamihang empleyado.. Pero dahil two weeks akong nawala sa office... Baka mamayang hating gabi na ko umuwi.. TT_TT

"Lily..! Tara na. Umuwi na tayo.. Excited na ko sa kwento mo!!!" sabi ni Cheena pagdating sa table ko..

Tutok pa rin ang mga mata ko sa computer ko.. Sorry Cheena! Busy..

"Huy Lily.. maduling ka naman dyan.. Naririnig mo ba ko? Sabi ko uwi na tayo.. Kaw ha, namake-over ka lang hindi mo na ko pinapansin." sabi ni Cheena habang nagpa-pout ng lips.. 

Hahahahaha... Parang bata tong si Cheena, nagtatampo pa.

"Tampo naman agad ang only friend ko.. O sya sige na nga, tara na.." sabi ko sabay ni-lock ko na yung pc ko at kinuha yung bag ko.

"Yehey! San tayo dinner? I'm starving.." sabi ni Lily.

"Naku, mag-coffee na lang tayo kahit 30 minutes.. Kelangan ko bumalik dito eh, dami ko kelangan tapusin. Yung client darating sa wednesday.. Sorry naman friend" sabi ko sa kanya...

"Hmmmmm.. Sige na nga. Basta libre mo!" sabi nya tapos nagtawanan kameng dalawa.

Nasa coffee bean... Choosy kasi tong si Cheena, ayaw sa starbucks sa baba ng building.. Pumunta pa tuloy kame sa kabilang building...

"So what happened?" tanong nya while sipping her decaf coffee.

"Well, I had a great time.." sabi ko sabay smile.. ^___^

"Obvious naman girl.. Ang blooming mo kaya.. Baka naman sinuko mo na ang bataan ha.." sabi nya sa tingin sa akin ng mga kahulugan.

Cheena manghuhula ka ba? =_=

Kanina tinawag nya akong Mrs. Alvarez, which is true at ngayon tungkol nman sa pagbibigay ko kay Marcus ng aking most precious possession... Wahahahahha... ^___^

"Ano? hindi ka na sumagot.. OH... MY.... GULAY....!! Binigay mo na nga?" tanong ni Cheena na medyo tumataas na boses nya.. Tumingin na yung mga taong medyo malapit na nakaupo sa table namin..

"Cheena.. kalma lang pwede? Baliw ka talaga.. Lower down your voice." sabi ko sa kanya.. 

"Sorry.. So? Oo nga?" tanong nya ulit... MAKULIT si Cheena... =_=

"Yes." matipid kong sagot.

"Amen! Thank you Lord, you heard my prayer.." sabi ni Cheena.

"Ha? Anong prayer?" tanong ko.. Kasi baliw na talaga ang tingin ko sa kaibigan ko ngayon.

"Feeling ko kasi talaga sobrang bagay kayo ni Sir Marcus.. So nagdasal ako na sana maging kayo talaga. At eto na nga... Kayo na!" sabi ni Cheena na makikita mong sobrang saya nya talaga.

"Cheena.. Wala naman akong sinabing "kame" na ni Sir Marcus.. Ang sabi ko lang, yes I did it with him." sabi ko.

Totoo naman yun... =,(

I gave that to him na wala naman talaga commitment sa kanya kundi sa isang pirasong papel lang na pwede mapawalang bisa lalo na't mayaman si Marcus.

Hibang ko no?

Foolish heart... 

Minsan talaga pag nagmamahal ang isang tao hindi nag-iisip.. Kapag wala na.. Saka iiyak.. Kapag na-realize na mali pala, saka malulungkot at sasabihin sa sariling "wag ka na umibig next time"

Wala naman akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa amin.. Pero sana ang sarap isipin na yung taong minamahal mo.. Mahal ka din... Na sana kapag sinabihan mo ng I LOVE YOU.. He will said I love you, too...

But not with my case.. Not with the case of most women out there!

Agree??? ^___^

Uso na ang one-sided love..

Uso na ang unsaid love...

Uso na ang "ibaon sa limot na lang" love.. =)

Buntong-hininga...

"Lily... You mean, hindi kayo mag-jowa ni Sir pero binigay mo sa kanya yun?" tanong ni Cheena.

Hindi kame mag-jowa.. mag-asawa na kame! Lukaret! Hahahahaha... ^__^

"Nope.. We are not lovers. We were lovers, but a fake one. At yung nangyari for two weeks.. Experience na lang ang tawag dun." sabi ko with a smile in my face.. 

The most beautiful and unforgettable experience... A memory that will never fade away... =)

"I'm sorry..." sabi ni Cheena sabay yakap sa akin.

"That's ok... Life must goes on. Naibigay ko man yun sa kanya... Hindi na yun maibabalik no. Kaya move forward na lang" sabi ko...

Hayyyy... Thank you Lord for having Cheena as my friend.. Kasama ko sya sa kalokohan.. Kasama ko rin sya kahit malungkot ako..

"Do you love him?" tanong ni Cheena nung hinatid ko na sya para umuwi... Naghihintay kame ng taxi.

I smiled.  ^__^

"Yes. I do.." sagot ko.

"Haaayyyyyssss.... Lily, I'm so happy to hear that... Don't worry magdadasal pa akong mabuti para bumaba na si kupido mula sa langit para senyong dalawa ni Sir Marcus." sabi nya tapos nagtawanan lang kame.

Tapos sumakay na si Lily ng taxi..

Ako naman.. Balik office... Balik work!

"Lily.." may tumawag sa akin mula sa likod habang naglalakad ako pabalik ng building..

Lumingon ako... 

O_O

"M-marcus?"

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon