Pumasok yung kotse ni Marcus sa isang condo building sa bandang Quezon City.
First time kong makakapunta dito. Si Vienna kaya ilang beses ng nakapunta dito??
Naku, nalulungkot lang ako kapag naiisip ko si Vienna. Ang hirap kasi na ang karibal mo sa puso ay isang Dyosa. Parang prinsesa versus sa katulong.. =(
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Nakasimangot ka pa. May problema ba?" tanong ni Marcus.
"Naku, wala naman.." sabi ko kay Marcus. Pero hindi ako tumitingin sa kanya.. Baka mabasa nya sa mga mata ko na miss na miss ko na sya.
Tahimik..
Nasa loob pa rin kame ng kotse kahit nakapark na sa basement yung kotse nya. Napakagat ako sa mga kuko ko.. Kinakabahan kasi ako. One month ko ng tinatago yung nararamdaman sa lalaking to.. Miss ko na talaga sya. =(
"Dito na lang ba tayo?" tanong ko. Naiinip na kasi ako, mga 15 minutes na kameng nasa sasakyan lang at walang imik at nakaupo lang. >_<
Ngumiti lang si Marcus. Tumingin sya sa akin. ^___^
Bumaba sya ng kotse at pinagbuksan ako. Akala ko dun na ako manganganak eh. Tapos may pinindot sya dun sa susi ng kotse nya to lock the car. Lumakad sya papunta sa elevator.. Sumunod lang ako ng tahimik.
Napahawak ako sa tyan ko. Baby wag ka magmamana dyan sa Dadi mo ha.. Sungit sya at lagi mo huhulaan ang iniisip! >_<
Nasa elevator na kame. "Ipapakuha ko sa driver at maid yung mga gamit mo sa apartment. Akina na yung susi." sabi ni Marcus.
~___~
Akala ko ba mag-uusap kame, eh bakit parang may sarili na syang plano. Marcus talaga! >_<
"M-marcus, sure ka ba dyan? I mean, pwede naman ako sa apartment mag-stay." sabi ko sa kanya. Mag-usap na lang muna tayo!
"I insist. You will stay on my condo." sabi nya sa akin sabay bukas ng elevator sa 14th floor. Lumabas sya, sumunod ulit ako. He slides a card key sa Unit 1422. It opens at bumungad sa akin ang isang malawak na condo unit.
The dominant colors are green and gray. Very manly. Sa living room, may malaking LCD TV tapos may green sofa bed. Makikita mo na rin yung kitchen dun. Ang ganda-ganda.. Parang ang sarap magluto.
"Ay, Marcus ang aga mo naman dumating. Naku, may bisita ka pala." sabi ng isang matandang bigla naman lumitaw sa harapan namin. Siguro malapit na mag-60 years old tong si nanay.
"Nanay Delia, si Lily nga po pala. Dito sya titira simula ngayon. Lily si Nanay Delia nga pla, sya yung nag-alaga sa akin since bata pa ako. Huwag kang makulit sa kanya ha." sabi nya sa akin tapos pumasok sya sa isang kwarto.
O_O HUWAG DAW AKO MAKULIT??? Ginawa naman akong bata ng lalaking to.
"Hello po Nanay Delia. Hindi po ako makulit. Mas makulit po si Marcus sa akin." paliwanag ko kay Nanay Delia. Tumawa lang sya.
"Marami na sa akin kwento si Marcus tungkol sayo. Sayang nga at hindi ako nakasama nung kasal nyo sa Batangas. Biglaan kasi eh." pabulong na sabi ni Nanay.
"Kilala nyo po ako? I mean, alam nyo pong asawa ko si Marcus." gulat na gulat kong tanong kay Nanay.
"Oo naman hija. Pangalawang magulang na ko ni Marcus. Walang maililihim sa akin yan. Sabi nya sa akin ayaw mo daw sumama sa kanya dito nung galing kayo sa Batangas at pinili mong tumuloy sa apartment mo. Buti na lang at nagbago na isip mo hija." sabi ni Nanay. Madaldal din tong si Nanay Delia. Pero ok to! Parehas kameng talkative.
Hindi na ko nakapagpaliwanag kay Nanay Delia (hindi ko na nasabi na mas ok naman kay Marcus na hindi ako dito tumuloy kasi mas magiging ok ang relasyon nila Vienna) bigla kasi ako tinawag ni Marcus mula sa kwartong pinasukan nya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove
Ficción GeneralDo you plan on when, where, and who will you fall in love with? Lily and Marcus never expected to fall in love for each other, pero dahil makulit si LOVE, maiinlove sila sa isa't-isa. Pero oooopppppssss.. in denial pa rin ang dalawa. Let's join Mar...
