Chapter 28 --- Marcus meets Rain.. ~__~

114 2 4
                                        

"Mom... mom...!" may tumatawag sa akin mula sa labas ng shop.

It is Rain for sure.. ^_____^

Ang cute ng maliit nyang boses pero tinatry nya pa rin ilakas para marinig ko.

"Mom.. someone is looking for a souveneir here. Kelangan nya daw ng tulong." sabi ni Rain na halos tumatakbo na pagpasok sa shop.

"Baby don't run.. Akong bahala sa kanya ok?" sabi ko kay Rain sabay smile. "Yaya pakipalitan na lang ng damit si Rain." sabi ko sa tagapag alaga ni Rain.

"Opo ate Lily." sabi ni Olga, yung yaya ni Rain. "May tao po kasi sa labas ng shop tapos natuwa masyado kay Rain kaya ayon ang daming tanong." dagdag pa nya.

"Ganun ba? Sige, ako ng bahala.. Pumasok na kayo sa loob para makakain na rin kayo ni Rain" sabi ko.

Lumabas na ko. Wala naman akong nakita. Nainip siguro kaya umalis na lang. Oh well, natuwa lang siguro kay Rain yun.

"Miss.." narinig kong tawag sa akin nung akmag papasok na ko sa loob ng shop.

Lumingon ako sabay smile.. "Ano po yun?" O_O

Napanganga ako sa nakita ko..

Si... Si... Si Mr. Alvarez O_O

"Hi.. I was looking for some souveneirs. Can you help me?" sabi nya na kaswal na kaswal lang.

Hindi nya ba ako namumukhaan? Ano ba Lily.. What do you expect? Yakapin ka nya ng mahigpit at sabihin.. "i miss you.." hahaha. Nahihibang na naman ako.. =_=

"Mukhang hindi mo naman ako matutulungan.. Tulala ka lang dyan. Para kang nakakita nga artista ah." sabi nya sabay smirk.

Ikaw ba talaga yan? Baka naman kamukha lang.. Impossible. Pati boses parehas???

Nakatingin lang talaga ako sa kanya.. Hindi ko mahanap ang boses ko.. Anong sasabihin ko? Anong isasagot ko???

"Miss.. Ano? Titignan mo na lang ba ako?" sabi nung lalaki.

"O-Oo..." finally.. nakapagsalita ako. "I mean OO matutulungan kita," dagdag ko. "T-tara sa loob..." sabi ko na pautal-utal pa.

Pumasok ako sa loob at narining kong humakbang rin sya ibig sabihin.. Sumunod sya sa akin..~____~

"What exactly are you looking for?" tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.. Alam kong sinusundan nya ako.

"Something that will last.. Yung magtatagal sa akin. Yung tipong hindi mawawala." sagot nya..

?___? <<< ano daw? something will last? Marcus are you kidding me?

"Lahat ng bagay pwede mawala.." sabi ko. "Nasa iyo na yung kung pano mo iingatan." dagdag ko pa.

May pinaghuhugutan ang conversation? Hahahah.

"Pero minsan tadhana lang ang magsasabi kung para sayo o hindi ang isang bagay." sabi ko pa rin sabay lingon sa kanya.

Hindi ko namalayan na sobrang lapit nya na pala sa akin.. Kaya paglingon ko.. Sobrang magkalapit na yung mukha namin.

Napasinghap ako.. Oh Lord, magkalapit na naman kame ngayon...

Relax Lily... Si Marcus lang yan.. Si Marcus lang.. Si Marcus ang nag-iisang lalaki na nambulabog sa tahimik mong puso.. =(

"Tadhana? Naniniwala ka ba doon? Kasi mas naniniwala ako sa desisyon na ginawa mo para mangyari ang isang bagay." sabi nya. 

Kitang-kita ko kung pano magkasalubong ang dalawa nyang kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.. Gusto kong sabihin na tahimik na kame ni Rain at hindi pa ngayon ang oras para sa mga ganitong eksena.

Hindi pa ngayon kasi... kasi... kasi mahal pa kita.

"Ako ang dapat magtanong nyan.. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumunta dito? Bakit ka umalis?" sunud-sunod nyang tanong.

Magkalapit pa rin ang mga mukha namin.. Amoy-amoy ko ang pamilyar na pabango nya..

Marcus.. Please.. Please lang.. Milya milya na ang distansya natin for how many years.. Tapos ngayon ilang inches na lang.. Gano ba kalayo ang dapat kong gawin para hindi na kita makita at tuluyan ng makalimutan na.. 

"Dala mo ba yung files for annulment. I know you are looking for me para dun.. Akin na.. pipirmahan ko na para matapos na ang lahat.." sabi ko. Pero halos madurog ang puso ko habang binabanggit ang bawat salita.

Halatang nagulat sya.. Lalong nagalit ang mukha nya.. Lumayo sya sa akin. "Don't worry.. Pagbalik ko dala ko na ang mga yun." sabi nya sabay tumalikod sya sa akin.

"Marcus.." mahinang saad ko. =,(

Palabas na sya ng pinto.. Biglang dumating si Rain.. Kadikit lang ng bahay namin yung shop.

"Hey.! Mister.. Did my mommy help you to find a souveneir?" tawag nya kay Marcus.

Here we go.. Kameng tatlo? Sa loob ng iisang kwarto.. Never kong naisip na mangyayari to.. Not now.

Lumingon si Marcus. Magkamukha talaga sila... Marcus smiled at medyo lumuhod para maging pantay sila ni Rain.

"Yes baby.. Your mommy was such a big help.." sarcastic nyang sabi sabay tumingin sa akin.

Belat mo.. Hmmmmppppp.. Marcus! kung hindi lang natin kaharap si Rain.. =_=

"Good. Ahhhhh.. Ako po si Rain." sabi ng anak ko... Hayyysss.. Ang daldal mo talagang bata ka..

"Marcus. I'm Marcus baby boy..." sabi ni Marcus sabay gulo sa buhok ng bata.

"Kelan ka babalik? Taga Maynila ka ba?" tanong ni Rain. Ang dami mong tanong anak... =_=

Ngumiti si Marcus. "Oo taga Maynila ako. Gusto mo bukas bumalik ako dito?" tanong ni Marcus.

A big NO! Gusto ko sanang sumagot.. ~___~ Pero hindi naman ako ang tinatanong.. =_=

"Sabi ni Mommy.. Taga Maynila daw yung Daddy ko.. Baka kilala mo." sabi ng madaldal na si Rain.

O_O ---- ganito parehas ang mukha naman ni Marcus.

Patay! Pano ba to?

"Sir, I think you have to go... Rain, he needs to go na.. He is a very busy man." sabi ko kay Rain sabay binuhat ko na sya.

"Tito Marcus please come back tomorrow ha.." sabi ni Rain sabay smile.

"I will.." sabi ni Marcus sabay umalis na ng shop.

Napayakap ako kay Rain habang buhat ko sya. 

I know that this day will come.. Pero hindi sa ganitong pagkakataon.. Hindi pa ngayon. 

Magkasama talaga si Vienna at Marcus dito sa Palawan.. Bakit?

Lily kasi magka-relasyon sila.. Sagot ko sa tanong ko.

Siguro sa pagkakataon na to.. Si Rain naman ang dapat isipin ko. Kelangan nya ng ama.. Kelangan nya si Marcus. Gagawin ko to para kay Rain.. Kaya mo pa naman Lily di ba? 

Para kay Rain, pipigilan ko kung ano man nararamdaman ko.. Kaya ko to.. ~____~

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon