Chapter 11 --- while he was sleeping..

177 4 5
                                        

I hate myself...

Ano bang ginagawa ko?

Matanda na ko para sa ganitong iyak iyak....

Ang tagal kong iningatan ang puso ko para hindi masaktan.. Si Marcus lang pala...

Si Marcus lang pala ang magpapaiyak sa akin ng ganito?

Ganun ba talaga magmahal?

Kelangan masaktan?

Kelangan umiyak?

Kelangan itago yung nararamdaman lalo na kung ikaw lang ang nagmamahal? 

Gusto ko na umuwi... Haaayyyyssss... Two weeks? Eh isang gabi pa nga lang.. umiiyak na ko.. 

Pano na bukas? Sa isang araw? Sa isang isang araw?

Baka magka-ilog na dito dahil sa luha ko... TT.TT

Hindi naman ako iyakin eh.. Simula pa lang nung college mag isa na lang ako.. I'm independent.

Si nanay namatay pa lang nung high school ako dahil sa diabetes... Si tatay naman sumunod kay nanay nung college ako dahil sa isang malubhang sakit din..

Yun ang mga huling yugto ng buhay ko na natatandaan kong umiyak ako... 

Tapos tinaguyod ko na yung sarili ko... Kaya nga napakahalaga nung promotion para sa akin... For me, sign yun ng tagumpay ko at nila nanay at tatay.

Pero yung puso ko kasi eh... Wrong timing! Bakit ngayon pa? Bakit kay Marcus pa?

Andun lang ako sa isang gilid ng kwarto nakaupo sa sahig.. Madilim. Liwanag lang ng buwan na pumapasok sa bintana ng kwarto ang nagsisilbing liwanag.

Umiiyak...

Humihikbi...

Para akong inapi dito... 

Bakit ba naghahalikan si Marcus at Joyce? Magpinsan sila di ba? Oo nga pala, they are not cousin biologically... Pero kahit na, bad pa rin yun.. di ba?

Buntong hininga... +_+

Your kisses are precious to me, Marcus... Sana wag mo naman ibigay yun sa iba ng ganun ganun lang... =(

Lalo na sa Joyce na yun... 

Humiga na ako sa kama... Nakatulog....

Nagising ako bigla... May kamay na nakadantay sa beywang ko... 

Oh my gawd.... RAPE!

>_<

Hindi ko natuloy yung sigaw ko kasi nakita ko si Marcus sa tabi ko... mahimbing ang tulog... 

Ang sarap titigan ng mukha ng mokong na to... 

"Marcus?" kinakausap ko sya... mukhang mahimbing naman tulog nya... for sure, hindi nya ako maririnig...

"Bakit ganun? Sabi ng puso ko, mahal daw kita? Pinipigilan ko nga eh.. Kasi alam kong masasaktan lang ako... Pero makulit sya.. Ayon nahulog na nga sa'yo..." ayan na naman ang mga luha ko...

"Minsan nga naisip ko sana hindi na lang tayo nagkakilala.. Sana hindi na lang ako nag apply sa company nyo... May tadhana ba talaga? Fate?  Destiny? Kapalaran kong masaktan mo.? Pero alam kong hindi mo kasalanan yun... Kasalanan yun ng puso ko..."

"Alam kong hindi lang si Joyce ang babae sa buhay mo.. May Vienna ka pa nga... Ano ba yan? Mga dyosa kalaban ko.. Eh ako? Alalay ng mga dyosa.."

"Eh para saan yung mga halik mo? Hayyyyssss... Smile mo pa lang... Tunaw na ko... Matalino ka pa.... Ang swerte talaga ng totoong mamahalin mo."

Hinawakan ko mukha nya....

Hinalikan ko yung noo nya... Pababa sa mga labi....

"Ang pogi mo naman.."

Tapos maya-maya... kumislot yung labi nya...

NGUMITI sya... ^_____^

"Thank you." si Marcus, sabay mulat.

O_O

Oh no, my DEAD!

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon