Ang bilis lumipas ng mga araw.. After one week, naorganize na yung kasal namin ni Marcus.. Ayaw ko ng bonggang bongga.. At dahil hindi naman masyadong pinaghandaan.. Konti lang ang taong invited..
Syempre sila Mama at Lolo, ang mga tita at tito ni Marcus at mga pinsan nya.. Mga 50 persons lang ang bisita.. Para sa kanila hindi to bongga.. Pero kung sisilipin mo ang pagdadausan ng kasal mula sa master's bedroom ang makikita mo ay napakagandang aisle.. Garden wedding ang theme..
Buntong-hininga.. I can't believe that I will marry Marcus.. Its my 10th day here in Batangas.. Sa totoo lang napakasaya ko nung mga nakalipas na araw.. I'm falling inlove with Marcus everyday.. Hindi sya nawala sa tabi ko habang pineprepare namin yung kasal.. He even chose the wedding dress that I will be wearing.. We bought the rings together.. We chose the foods and wines to be served, the whole wedding was planned accordingly but in a fast way.. It is my dream wedding.. Pero sayang wala dun sila nanay at tatay.. Wala dun si Cheena na nag iisa kong kaibigan.. Lahat ng taong imbitado ay halos istranghero sa akin.. Kahit ang lalaking pakakasalan ko hindi ko pa ganun kakilala.. Pero mahal ko sya at gagawin ko to para sa kanya..
Tumingin ako as salamin.. I look very different now, I am no longer wearing my glasses.. My hairstyle is different now.. I even wear make up na kasi ayoko magmukhang ewan sa harap ni Marcus..
Ako pa ba to? Si Lily pa ba ang babaeng nasa harap ng salamin..
Ganun nga siguro talaga yung love.. It changed you.. It improved you.. Love moves in mysterious ways..
May naririnig akong mahihinang katok sa may pintuan..
"Lily, ang mama ito.. Pwede ka ba makausap?" sabi ng mama ni Marcus..
Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.. "M-mama, pasok po kayo." hindi pa ako sanay tawaging syang mama.. >_<
Niyakap nya ako.. Yakap na matagal tagal ko na rin hindi naramdaman galing sa isang magulang..
Mahal ko talaga ang anak nyo.. Sa panahon na to, wala ng pagkukunyari.. Pakakasalan ko talaga sya dahil mahal ko sya.. Gusto ko sana sabihin kay Mama... ^___^
"Hello hija.. Ano ready ka na ba? Ilang oras na lang, kasal nyo na ni Marcus.. Napakasaya naming lahat" sabi ni Mama.
"Oo nga po eh.. One week ago parang kakarating ko pa lag dito.. Ngayon ikakasal na kame." sabi ko habang nakaupo kame ni Mama sa sofa.. Nakatitig lang sya sa mukha ko at parang mangiyak-ngiyak..
"Sayang wala dito ang inay at itay mo.. Pero for sure, napakasaya nila ngayon. Andyan na sa baba ung mag aayos sayo.. Pero bago ko sya paakyatin.. May ibibigay muna ako sayo." sabi ni Mama tapos may kinuha sya sa bulsa ng damit nya...
"Ano po yan?" tanong ko, may nilabas syang rectangular na kahon..
Binuksan nya ito..
O_O
Ang ganda... ^___^
"Kwintas to na galing pa sa Lola ko.. Ang mama ng Lolo nyo.. Eto ay binibigay sa panganay na babae ng pamilya, gaya ko.. Pero dahil lalaki si Marcus, sa'yo ko to ibibigay.. Tanda to ng isang babaeng punung-puno ng pagmamahal.." sabi ni Mama habang sinusuot nya ito sa akin.
"Sigurado po bang ibibigay nyo to sa akin? Hindi po kaya magalit sila Margo, o si Vess... o kaya naman si.... J-joyce.." ayaw ko sana sabihin ang pangalan ng babaeng yun.. Pero kelangan.. Baka magalit ang mga pinsan ni Marcus.
"Naku, hija.. Matagal na nilang alam na hindi mapapasakanila ang kwintas na yan.. Para yan sa'yo.." tapos ng ikabit ni Mama ung kwintas sa akin.." Napakaganda.. isuot mo yan sa kasal.. Ang saya talaga ng buong hacienda ngayon." nakangiting sabi ni Mama.

BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove
General FictionDo you plan on when, where, and who will you fall in love with? Lily and Marcus never expected to fall in love for each other, pero dahil makulit si LOVE, maiinlove sila sa isa't-isa. Pero oooopppppssss.. in denial pa rin ang dalawa. Let's join Mar...