Biglang dumating si Nanay Delia. Pagbukas nya ng pinto nakita nyang nakatayo ako sa gitna ng salas at malalim ang iniisip.
"Lily gising ka na pala. Naku, gutom ka na ba? Halika at ipaghahain kita ng pagkain. Ano bang gusto mo?" tanong ni Nanay Delia na mukhang nag-aalala.
Siguro dahil tulala ako sa gitna ng condo ni Marcus.. >_<
"Nay, kilala nyo po ba si Vienna?" tanong ko. Ayaw ko na magpaliguy-ligoy pa. Gusto ko malaman kung sino pa si Vienna sa buhay ni Marcus. Sabi nya kasi dati wala syang girlfriend. Sabi nya ayaw nya makipag-commit sa babae. Eh sino si Vienna???
Nakita kong nabigla si Nanay Delia sa tanong ko. Nanlaki mata nya.
"Naku hija, isa lamang si Vienna sa lahat ng mga babaeng naghahabol ay Marcus. Yun nga lang sya ang pinakamasipag sa lahat ng nagkakagusto kay Marcus. Nagkakilala sila sa ibang bansa nung nag-aaral si Marcus. Nagseselos ka ba hija?" medyo natatawang tanong ni Nanay Delia.
"Nay naman, hindi naman po.. Ilang beses ko na po kasi sya nakita at alam kong napakaganda nya. Hindi malabong magkagusto rin si Marcus sa kanya." paliwanag ko.
"Hay naku Lily, eh di nagseselos ka nga. Alam mo si Marcus ay sadyang napakahabulin ng mga babae pero ikaw lang ang pinakasalan nya. Nasa kanya na ang lahat.. Ikaw na lang ang kulang, pero ngayon kumpleto na sya.. May bonus pang anak." sabi ni Nanay Delia.
Ang sarap naman pakinggan.. "Nasa kanya na ang lahat.. Ikaw na lang ang kulang, pero ngayon kumpleto na sya."
Napahawak ako sa tyan ko.. Baby, mamahalin natin si Dadi ha.. Kahit anong mangyari, mamahalin natin sya kahit alam ko darating ang panahon na magkakalayo din kame.
"Kaya hija, wag mo na intindihin yung si Vienna. O sya, tara ng kumain." naglakad na si Nanay Delia papunta kusina.
Sumunod na rin ako sa kanya kasi gutom na talaga ako. ^_____^
"Nay dito kaya sa condo magdidinner si Marcus?" tanong ko habang nasa dining table na at si Nanay ay iniinit ang pagkain sa microwave.
"Ay hindi ko kayang sagutin yan hija, alam mo naman yun mahal na mahal ang trabaho nya. Ang mabuti pa ay tawagan mo at tanungin para makapaghain tayo ng masarap na hapunan." sabi ni Nanay sabay tumunog yung microwave. Nilabas nya dun ang isang mangkok ng sopas.
Yummy! ^_____^
"Sige po Nanay, mamaya po siguro pagkatapos kong kumain. Gutom na kasi ako eh. Tara pong kumain." sabi ko sabay higop ng sopas. Kumain na rin si Nanay Delia. Nagkwekwentuhan lang kame tungkol kay Marcus nung bata pa sya.
Andg dami ko nalaman tungkol sa masungit na yun. Tulad ng, nung 8 years old pala sya ay natuklaw sya ng ahas minsan nung nag-camping sila. Ang tapang daw ni Marcus kasi hindi sya umiiyak pero nung tuturukan na ng gamot, naihi daw sa pantalon.
Tawa ako ng tawa. Yung lalaki na yun talaga.. Takot na pala ayaw pang ipakita, naihi tuloy. Ang cute! ^_____^
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam si Nanay Delia na bibili ng tinapay sa may supermarket. Gusto ko sana sumama kaya lang sabi ni Nanay Delia baka magalit si Marcus at hindi ako nagpapahinga. May point naman sya! =_=
Itetext ko na lang si Marcus kung dito sya magdidinner.
TO: HUBBY Marcus
Hi! Ahhhmmmmm.. Just wanna ask kung san ka magdidinner?
-sent-
Nasa salas lang ako.. Waiting in vain for his reply..
5 minutes...
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove
Fiksi UmumDo you plan on when, where, and who will you fall in love with? Lily and Marcus never expected to fall in love for each other, pero dahil makulit si LOVE, maiinlove sila sa isa't-isa. Pero oooopppppssss.. in denial pa rin ang dalawa. Let's join Mar...
