Chapter 24 --- Love is

186 4 5
                                    

I decided to wake up early para ipagluto si Marcus ng breakfast. Sabi nya kasi kagabi he loves to have breakfast with me.

Kilig.. >_<

So 6am pa lang gising na ang lola mo. I remembered the very first time na we ate breakfast together, daing yung ulam namin. ^_____^

I just can not believe na mauulit pa yun ng maraming beses, eh ang usapan namin two weeks lang ang "relasyon" na yun. But I think it will last long.. I mean, magkakaroon na talaga kame ng koneksyon sa isa't-isa kasi nakabuo kame ng anghel.. =)

Funny. Pero eto ba yung destiny.???

 Naku, itigil mo nga yan Lily.. Wag ka managinip ng gising. Kakagising mo lang, daydreaming agad?? =_=

Nasa kusina ako at nagtitingin ng pwede lutuin. Hmmmmmm.. I decided to cook egg omelet with fried rice. I'll slice fresh fruits to make juice.

Sounds goooooood... =)

Habang nagluluto ako ng fried rice, parang medyo nahihilo na naman ako. Ayaw ko nung amoy nung garlic. Eeeeewwwww!

I'm gonna puke... Tumakbo ako sa may sink. I throw up. 

Haaayyyyysss... Nahihilo talaga ako. Pero sumusuka pa rin ako.

Bigla kong naramdaman na may humagod sa likod ko.

Lumingon ako.

"Marcus?"

"Are you ok? Oh my God, you look pale." sabi nya makikita mong nag-aalala sya.

"I'm ok. Kaya ko naman. Pakipatay na lang nung niluluto ko. Baka kasi masunog. Baka ito yung tinatawag nilang morning sickness." paliwanag ko sabay umupo ako dun sa isa mga upuan na nakapaligid sa dining table.

"Bakit ka nagluluto? Asan ba si Nanay Delia?" tanong nya. Wait lang... Bakit parang galit ka? Ikaw ang nagsabi kagabi na you love to have breakfast with me today.

"This is for you. I mean, for your breakfast." sagot ko. Tumayo ako para ipaghain sya ng breakfast. Yung fried rice na lang kasi yung huli kong niluluto kanina. "Umupo ka na, ipaghahanda kita ng breakfast."

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon