Nag-vibrate ang phone ni Lara. Nakangiti pa mandin siya noong dinampot niya iyon sa ibabaw ng mesa dahil sa kung anong sinabi ni Sidney, isa sa mga kaibigang kasama niya ng mga sandaling iyon sa mesa sa fast food na iyon. Amoy ang tomato sauce, cheese, mayo at sweet onions sa nakahaing tacos at sandwiches na kinakain nila habang naghahabol sa gossips na nakaligtas sa kanya sa dalang niyang lumabas nitong huli.
Kasalanan nang kung sinong masamang taong nagbabanta sa buhay ng daddy niya kasi. For security reasons, halos hindi siya lumalabas at kung mangyari man ay nagsasama siya ng bodyguards. Nakakatamad kapag ganoon. But she'd been restless and bored lately kaya pumayag siya sa anyaya ng mga kaibigang mag-shopping saka kumain sa labas ngayong Linggo na walang pasok sa trabaho ang tatlo.
Nang mabasa ang mensahe ng kanyang daddy, nagbuntung-hininga siya. Nagulat pa nga siya na naalala nitong i-pm siya at paalalahanan sa oras. An inventor, he's always so focused on his work that he was usually unaware about the time. She didn't mind, work helped him through his grief when her mother died. Na-touch naman siya.
"I'm sorry, mga beh. I have to get home now."
Maingay na protesta ang agad na narinig mula kanila Sidney, Phoebe at Anya na humalo sa ibang ingay mula sa ibang mga mesa. They'd been friends since primary school at sanay na halos araw-araw magkasama pwera after college graduation. Nagtatrabaho ang mga ito ngayon habang siya, na ang balak sana ay magbukas ng mga negosyong base sa kanyang mga ideya, ay natambay sa bahay dahil nga sa death threats sa daddy niya.
"Can you come out again next weekend?" tanong ni Sidney, ang pinakamatangkad sa kanilang apat. Pinakamaputi rin.
"I'm not sure. I'll try pero kung hindi kayo busy, let's sa bahay," aniya pagkatapos humalik sa pisngi nito.
"It's not even dark yet," ani naman ni Anya noong humahalik siya sa pisngi nito. Pero may pag-aalala sa maliit na mukha nito. Si Anya ang petite sa kanilang grupo, tapos heart-shaped ang mukha kaya madalas nilang tawaging Ariana Grande.
"May bago akong curfew. Hindi ako pwedeng nasa labas pa when it gets dark. Not that I believe it's really that dangerous, pero mag-aalala si Dad."
"Ang daddy mo, o ayaw mo lang suwayin 'yung bago mong super hunk at super gwapong bodyguard?" tudyo sa kanya ni Phoebe habang sumusulyap sa labas ng resto. Nasa kotse ang binanggit na bodyguard. May isang linggo pa lang itong nasa detail niya pero dahil nga ngayon lang siya nakalabas, ngayon lang ito nakita ng bestfriends niya. Naikuwento na niya ang tungkol dito sa group chat nila, syempre.
Umiwas siya ng tingin, medyo paingos pa nga, noong mapasulyap siya sa labas at nakitang nakatingin sa kanila ang pinag-uusapang lalaki. Pero bahagyang nag-init ang kanyang mukha, at dahil maputi siya ay nakita iyon agad ng mga kaibigang nagsihagikhikan.
Pinandilatan niya ang mga ito. "'Wag nga kayong obvious. We're not even really talking about him."
"Hindi talaga kasi tuwing magtatanong kami tungkol sa kanya, ganyan. Nagba-blush ka."
"Sa inis." Pinaikot pa niya ang kanyang mga mata. "Inis ako sa kanya."
Korek naman ang mga ito. He was a hunk, and he was gorgeous. Mestiso, Ingglisero, dual-citizen Filipino and American ang head ng kanyang security. She cringed at how she named them. But that's what they were! At naiinis siya dahil ang daddy niya dapat ang may tambak na bantay at hindi siya.
Anak ito ng isa sa mga kaibigang matalik ng daddy niya noong college days na nag-migrate na sa USA. Doon lumaki si Eric. Formerly in the military, pinadala ito ng ama para tumulong noong nalaman ang sitwasyon ng kanyang daddy.
When he arrived wasn't the first time she had heard about him and his family. Or even met him. Dumalaw ang mga ito sa Pilipinas noong baby pa siya at bata pa ang mga ito at sister nito. Wala siyang malinaw na alaala but there were pictures that she'd played with him and Ashley when she was just a toddler. May pictures silang tatlo in beaches their families visited together in their month-long vacation. He was twelve, Ashley was eight. Lara was two.
BINABASA MO ANG
My Sweet Innocent Lovely Brat
RomanceWhen the first guy you fell in love with is the one who's saved your life, is it real love? O sobrang grateful ka lang? A hunky ex-military meets bratinella. Torn between death threats and attempted kidnapping, there is no room for any feelings at a...